Music Club

1.5K 80 6
                                    

Maine's POV

Bumukas ang pinto at nakita kong bumalik na si Deny pagkalipas ng ilang oras. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya sa'kin kanina, nagtatampo ako sa kanya.

Tumingin sya sa'kin saglit pero agad din nyang iniwas ang tingin nya at umupo na sya sa kama nya.

Nilapitan ko sya at inabot ko sa kanya ang isang cup noodles. May misyon ako at yun ay kailangan ko sa kanyang makipag-kaibigan para mas makilala ko sya ng mabuti. At kapag nangyari yun...pwede ko na syang ilakad kay Jake. Kahit masakit gagawin ko:'(

"Kumain ka muna. Yan lang ang pagkaing available dito kaya pagtyagaan mo na."

Pero hindi nya tinanggap ang pagkaing binibigay ko at umiling lang sya sa akin na parang sinasabing 'busog na ako'.

"Alam mo Deny, nagtatampo na ako."

Nilapag ko ang cup noodles sa maliit na table.

"Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa'yo pero bakit parang iniiwasan mo ako? Alam ko namang ang kulit ko at ang ingay ko, siguro hindi ka sanay pero sana naman kahit isang beses lang...iparamdam mo sa aking hindi ako nag-iisa...na nandyan ka at handang tanggapin ang pakikipagkaibigan ko."

Yumuko ako...

"Hindi naman kita pinipilit eh pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon."

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at kinuha ang cup noodles. Kinuha nya rin ang chopstick at nagsimulang kumain.

Sumigla ako dahil sa nakita ko. Ibig-sabihin nyan...tinatanggap na nya ako bilang kaibigan nya?

"Thank you! Thank you Deny!" dahil sa saya ko, nayakap ko sya bigla.

Nabigla sya dahil sa ginawa ko kaya natapon ng konti yung kapit nyang noodles. Medyo mainit pa naman kaya pareho kaming napaso.

"Sorry. Natuwa lang ako dahil magkaibigan na tayo!"

Ngumiti naman sya, yung matipid na ngiti. Effective pala yung drama ko kanina. Actually, sinaulo ko yung mga sinabi ko. Yun na lang kasi ang naiisip kong paraan para pansinin nya ako at mukhang effective talaga.

Actually, dapat talaga ay magalit at mainis ako sa kanya dahil karibal ko sya kay Jake. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko at gusto ko pa ring makipagkaibigan sa kanya. Aminado naman akong mas maganda sya at lamang kaysa sa akin. Pero bakit ganun? Kapag tinitingnan ko sya, hindi galit at inggit ang nararamdaman ko...para bang natutuwa ako sa tuwing tinitingnan ko ang mukha nya. Ang weird nga eh.

"Bukas na nga pala ang opening ng mga clubs. May balak ka na bang salihan Deny?"

Umiling lang sya. Kinuha ko sa bag ko ang listahan ng mga club na mag-oopen bukas. Every year nagco-conduct ang school ng activity kung saan may iba't ibang clubs na pwedeng salihan ng mga estudyante.

"Eto oh! Tingnan mo, baka may mapili ka."

Binigay ko sa kanya ang listahan at tiningnan nya ito. Pero binalik nya rin agad sa akin na parang wala syang napili.

"Bakit? Wala ka bang mapili?"

Umiling lang sya.

"Hindi naman sapilitan ang pagsali eh pero maganda pa ring experience ang maka-attend ka sa isang club. Kung sakaling magbago ang isip mo at gusto mong sumali, magsabi ka sa akin at tutulungan kita."

Tumango sya. Umupo na ako para kainin ko ang cup noodles ko. Siguro nahihiya lang syang sumali sa mga club kaya hindi sya pumili. Kung sa bagay, masyado kasi syang mahiyain. Mahihirapan talaga sya kung pati pakikipag-usap sa ibang tao hindi pa nya magawa.

Pero ano nga ba ang meron sa boses nya at hindi sya nakikipag-usap sa mga estudyante? Siguro pangit o hindi kaya sobrang ganda.




Napailing ako bigla. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Baka naman isipin nya na nai-insecure ako sa beauty nya. Binalikan ko na ang pagkain ko at nagconcentrate na lang dito.

***






"Art club, sumali na kayo sa club na 'to!"

Namimigay ako ngayon ng mga flyers sa mga estudyanteng dumadaan sa hallway. Ngayon na ang registration para sa mga club at sa art club ako kasali. Regular member na ako kaya ako ang naka-assign sa pag-disseminate ng mga flyers.

Marunong akong magpaint at magdrawing, bukod dun wala na akong naiisip na talent ko. Ay, meron pa pala...marunong din akong kumanta.

Si Jake! Inayos ko ang buhok ko nang makita ko si Jake na naglalakad palapit sa akin. Napansin nya ako kaya nginitian ko agad sya.

"Hi Jake!"

"Dei..." napatingin sya sa nakapaskil na pangalan ng club sa pinto.

"Sa art club ka pala sumali."

"Oo, dito naman ako palagi sumasali."

"Dei, yung about kay Deny."


Parang biglang naglaho ang ngiti ko. Si Deny? Si Deny na naman??

"Natanong mo ba kung saan sya sasali?"

"Tinanong ko pero sabi nya wala raw syang sasalihan eh. Masyado syang mahiyain kaya sa tingin ko mahihirapan syang pumili ng club."

"Ganun ba? Kung sa bagay, bago pa lang naman sya eh, mukhang mahihirapan nga sya."

Buti na lang talaga at walang club na sasalihan si Deny dahil kung meron man, paniguradong doon din sasali si Jake.

"Sige Dei, aalis na ako ha." and he smiled again.

Nakalampas na sya pero sinundan ko pa rin sya.

"Jake, sandali!"

Lumingon naman sya. Inabutan ko sya ng isang flyer.

"Kung wala ka pang sasalihang club... art club is waiting for you!"

Tiningnan nyang mabuti ang flyer.
"Sige, sasali ako."

Talaga? As in sa art club na sya sasali?! Gusto kong maglupasay sa tuwa dahil sa wakas...magkasama kami ni Jake sa iisang club. Dati sa sports club sya kasali pero dahil na-injure sya last year, hindi na muna sya doon sasali.

"Pwede ka ng magpalista ngayon. Tara, sasamahan na kita."

Pabalik na kami ni Jake sa room ng art club. Pero nakita ko si Deny, pumasok sya sa studio at sa pagkakaalam ko...doon gaganapin ang audition para sa music club.

Don't tell me...sasali sya sa music club? Teka! Hindi dapat sya makita ni Jake.

"Jake teka lang ha, magpalista ka na dyan may pupuntahan lang ako." at tumango naman sya.



Agad akong sumilip sa pinto ng studio para hanapin si Deny. Kung sasali sya sa music club? Paano? Eh hindi nga sya nagsasalita...kanta pa kaya?




Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon