NASA RIGHT SIDE PO "MEDIA" YUNG TRAILER NITONG STORY PARA SA APMH BOOK 1 :)
Ako si Aldrin Villafuerte isang 6 year old boy na makulit at napakamasayahin. Matalino ako sa Math kaya sa akin lagi nagpapaturo ang kapatid ko. Yung kapatid ko na si Andrea, sobrang close kami nun. Siya na ata yung best friend ko eh kasi sa tuwing wala sila mommy at daddy, siya yung lagi kong nakakausap. Kahit kailan, hindi siya nawala sa tabi ko at hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya. Anak kami ng mag-asawang may-ari ng isang mall. Baby palang daw kami ni Andrea nang itayo nila ang negosyong iyon at ngayong medyo malaki na kami, nandoon pa din siya. Sabi nila mommy, sa akin daw ipapamana yun tapos si Andrea, head lang pero kami pa din ang may-ari.
Nag-aaral kaming dalawa sa Angelicum dahil sabi ni daddy, ayaw niya sa ordinaryong private school lang, kailangan yung prestihiyoso at may magandang reputasyon sa mata ng maraming tao. Magkaiba kami ng section kasi si Andrea, matalino naman siya pero nangingibabaw pa din ang kakulitan. Sa first section kasi ako, at lagi akong honor, madalas ay first pa ako.
Nandito kami ngayon ng kapatid ko sa may Tree Park malapit sa subdivision. Dito namin pinakahilig pumunta dahil sabi ni daddy, pagkalabas na pagkalabas palang namin ng ospital, dito kami nila pinasyal. Siguro hanggang pagtanda namin dito na din kami mamamatay bago pumunta sa ospital noh? Haha bumaligtad.
Kakatapos lang namin maglaro ng habulan kaya nakaupo muna kami ngayon. Medyo mahina kasi ang resistensya ko at madalas ako yung laging unang napapagod tapos si Andrea naman, hindi ko alam kung saang planeta nanggaling ang energy. Nilabas niya sa bag na dala niya ang bottled water at uminom kami. Sunod niyang nilabas ang isang plastic na ang laman ay chocolate chip cookies.
"Wow handang handa ka ha, hahaha. Sa bagay, kailangan din naman natin niyan. Nice one sis!" pang-aasar ko sa kapatid ko.
"Syempre kuya noh hindi naman ako katulad mo na puro Math ang iniintindi!! Ako kasi may social life din ako at gumagawa ako sa bahay! Sus iniisip mo lang kasi palagi crush mo, hahahahaha!" Ang kapatid ko, mas mapang-asar nga lang kaya lagi niya ako nababara.
Hindi ko sinasabi kay Andrea kung sino ang crush ko dahil wala naman talaga. Madaming nagkakacrush sa akin sa school dahil sabi nung iba, gwapo na daw ako sobrang talino pa pero hindi naman ako naniniwala doon, konti lang.
"Uy ikaw ha tumigil ka diyan masmatanda ako sayo Andrea"
"Uy ano ka kuya! Kambal kaya tayo!" haay at sinagot pa talaga ako ng makulit na batang 'to!
"Ehh bakit kuya ang tawag mo sakin?"
"KASI..............MUKHA KANG MATANDA HAHAHAHAHA!"
Lagi ganyan ang kapatid ko, kung hindi dadaldal, mang-iinis naman. Tinignan ko siya ng masama at unti-unti siyang kiniliti pero nakatayo siya at nakatakbo. Kahit na pagod ako, hinabol ko nanaman siya. Naghabulan kami sa Tree Park at hingal na hingal na ko pero siya ang saya -saya parin at mukhang hindi napapagod.
ANDREA'S POV
Hello! Ako nga pala si Andrea Villafuerte, 6 years old ako at kapatid ko si Kuya Aldrin. Ewan ko kung bakit kuya ang tawag ko sakanya eh. Eh sa katunayan, kambal daw kami sabi ng magulang namin. Oo totoo na super galing ni kuya sa Math. Sa kanya ng ako nagpapaturo eh kasi idol ko yun. Ako naman wala akong hilig sa Academics kaya puro social life nalang ang iniintindi ko. Ewan ko nga kung bakit hindi ako naging kasing talino ni kuya eh. Si daddy ay isang engineer, si mommy naman isang magaling na business woman at silang dalawa, palagi silang honor nung bata tulad ni kuya. Minsan nga nagagawa kong ikumpara ang sarili ko eh. Ano kaya nangyari sa akin at hindi ako kasing talino nila?
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
Fiksi PenggemarHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...