ALDRIN'S POV
12 years na ang nakalipas nang mawala ang kapatid kong si Andrea. Madami na ang nagbago sa amin. Ako, lagi na akong pang 20 sa ranking sa classroom dahil naging sociable na ako nang mawala si Andrea at hindi na ako nagfocus pa sa academics. Lagi na ako sumasali sa mga basketball at mga banda sa paaralan namin. Hindi na nga pala ako nag-aaral sa Angelicum kasi college na ako kaya dito na ako sa Enderun College nag-aaral. Si Carla naman, ang tunay kong kapatid nandito na sa amin nabubuhay pero si Aling Cate hindi parin nahahanap si Andrea hanggang ngayon.
Ito ako ngayon; ang Aldrin Villafuerte na ngayo'y good boy padin. Kung dati seryosong-seryoso ako sa grades ko, ngayon pinagkakaguluhan na ako ng mga babae dito sa school namin. Ayoko ng ganito, gusto ko ng social life pero di tulad nito. Hindi pa ako nagkakagirlfriend dahil may hinihintay pa akong dumating sa buhay ko.
Nakita ko na ang barkada ko, sila Sam, Enrique at Jerome. May hawak silang bola at alam ko na kung ano ang ginawa nila. Nagbasketball nanaman ang tatlo nang wala ako.
"At hindi niyo nanaman ako hinintay mga tol?" ang pangbungad na bati ko sa mga tropa kong lagi nalang akong iniiwan sa tuwing naglalaro sila.
Nagtinginan silang tatlo at nagtawanan lang sila. Ganito itong mga ito, sobrang pasaway pero kahit kailan naman, hindi nila ako iniwan.
Tumigil sa kakatawa si Enrique at sinabig; "Ikaw kasi eh lagi kang late kaya hindi ka namin nahintay"
"Ohh may lakad ba tayo mamaya? Basketball??" tanong ko sa kanila.
"Hindi ako pwede pre eh. May lakad kami mamaya ng parents ko eh." sabi naman nitong si Sam.
Sa barkada namin, kung mayroon man dito yung sobrang close sa pamilya nila, iyon ay si Sam. Eh ako naman kasi, malayo ang loob ko kay mommy at lalo na kay Carla. Si Dad naman, laging wala sa bahay kaya sila nalang yung natuturing kong pamilya. Ang swerte nga ni Sam eh, mayaman na nga may pamilya pa. Eh ako? Yaman lang ang meron!
"Ako naman gagawa pa kami ng project ng mga kagroup ko" sabi ni Jerome.
Si Jerome naman, siya yung mahilig mag-aral. Simula nung nawala si Andrea sa buhay ko, nakalimutan ko na ang dating ako na palaging nagbabasa ng libro, laging nakakaperfect sa mga exam pero ngayon, nag-iba na talaga ako.
"Ako walang gagawin. So basketball tayong dalawa???" alok ni Enrique na siyang best friend ko.
Iyon ang dahilan kung bakit best friends kami. Pareho kaming hindi lagi nakakasama ang pamilya at madalas kaming naglalaro ng basketball. Si Enrique lang talaga ang pinaka hindi busy sa aming apat dahil siya yung malaya at walang nakakahadlang sa kanya sa paggawa ng mga bagay na gusto niya.
"Tayo lang? Seryoso ka?" pagduda ko
"Oo sige ba! 3:00 pwede? Basta magkita tayo sa court solved na tayo!"
Duneretso na kami sa klase namin at buti naman hindi pa kami late dahil papagalitan nanaman kami ng adviser namin.
Buti naman pagkatapos ng mahabang discussion ay recess na. Ibang-iba na talaga ako ngayon; kung dati sobrang interesado ko sa bawat salitang sinasabi ng teacher ko, ngayon ay tinutulugan ko nalang minsan. Hindi ko din alam kung bakit ito nangyari sa akin eh. Habang nakapila ako dun, nilapitan ako ni Carla kasama ng mga kaibigan niya.

BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
Hayran KurguHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...