PATUGTUGIN NIYO YUNG MULTIMEDIA HABANG BINABASA ANG BUONG CHAPTER 2
ANDREA'S POV
Tapos na ang klase namin pero nandito pa ako sa school, hinihintay si kuya at yung service namin. Wala na akong kasama pa dito; sila Zyra at Stephanie, maagang sinundo ng mga service nila pero yung driver namin, ang tagal dumating. Suot ko na ngayon ang kwintas na bigay sa akin ni kuya. Grabe ang ganda nito, kahit simple lang nakikita ko pa din kung gaano niya ako kamahal bilang nag-iisang kapatid niya.
"Ano ginagawa mo dito? Bakit wala na yung prince charming mo?" pang-iinis ni bruha.
"Ano ba Nattasha kapatid ko siya kaya pwede ba huwag mo na akong pag-initan ng ulo!"
Inirapan niya ako at mas lalo pa siyang nagtaray.
"Gusto mo naman diba? Feeling prinsesa, akala mo kung sino." banat niya pa.
Hindi ko na siya pinansin pa kaya umalis nalang ako pero habang naglalakad ako pabalilk, hinila niya nanaman ako paharap sa kanya.
"Ano nanaman ba yun?"
"Aww kawawa naman. Siguro pinagalitan ka ng parents mo noh? Iyan kasi masyadong war freak! Pero hayaan mo, rinig ko kasi hindi naman ikaw yung tunay na anak HAHAHA"
"Nattasha tama na iyan, hayaan mo nalang siya. Wala na din naman siyang magagawa eh at tsaka kailangan ko nang pumunta sa bago kong pamamahay. Impake ka na beh ah." biglang singit ni Carla sa usapan.
Ano ang pinagsasasabi ng mga ito?
Nasa bahay na ako pero hindi pa din mawala sa isip ko yung sinabi nila Nattasha sa akin kanina. Bumaba ako at nakita ko si kuya na naglalaro ng video game. Dumeretso ako sa dining room at kumain na. Habang kumakain ako ay nakita ko si mommy na may kausap na isang babae sa labas. At mommy yun ni Carla! Bakit nanaman sila nandito? Ano to bagong gulo nanaman? Basta wala na akong ginagawa diyan ha.
Tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng almusal at nakita kong pinapasok ni mommy ang mommy ni Carla. Bakit niya pinapapasok yun? Finally natapos na din akong kumain at nang paakyat na ako sa taas, tinawag ako ni mommy kaya lumapit ako sa kanila.
"Andrea last week pa namin to pinagusapan at ngayon, nakuha na namin ang test results." malungkot na pagkasabi ni mommy.
"Mom, expected po na mababa na ako diyan" pabiro kong sagot pero seryoso pa din si mommy.
"No Andrea, it's a DNA test"
"Mom what????!"
"Cate, Carla's mom told me that..............you are........ahh---her.....daugh---daughter." ang sinabi ng mommy ni Carla. Ano? Ako, anak nila? Hindi pwede! Anak ako ni mommy!
"Daughter? Mom ano to?" sagot ko sa kanilang dalawa. Ayokong paniwalaan ang mga sinasabi nila kasi alam kong Villafuerte ako!
"Andrea that's why you're always seeing my crying every night. Dahil nalaman kong hindi kita tunay na anak." paiyak na sabi ni mommy
"Mom kaya ba naging mahigpit ka na sa akin?"
Umiiyak pa din si mommy, parang siya hindi din makapaniwala sa nangyayari pero mas naaapektuhan ako. Lumapit sa akin yung mommy ni Carla pero si mommy Sab ang niyakap ko. Siya ang mommy ko!

BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanfictionHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...