Chapter 12

166 7 0
                                    

CARLA'S POV

Aghhh!! Ang sakit sakit na ng tenga ko! Hulaan niyo kung bakit? Hay, sinesermonan nanaman ako nito ni Nattasha dahil sa nangyari kahapon sa mall. Ako kasi ang dumapa kay Bella pero buti nalang walang nakahalata. Plano na namin iyon ni Nattasha bago pa namin iorganize ang gala. Ako na nga ang dumapa pero ito ako ngayon, binging-bingi na sa kakadakdak nitong best friend ko

NATTASHA: Carla bakit ang fail nung ginawa mo? Ang sabi ko kasi dapain mo para mabigyan ng leksyon! Pero tignan mo tong kinalabasan maspinag-agawan siya nila Enrique at Aldrin.

CARLA: Excuse me Nattasha don't blame me! Hay, ako na nga itong nagsagawa ng plano mo tapos ako pa ngayon ang maykasalanan? 

NATTASHA: Ehh kasi naman iyang kuya mo eh!

CARLA: Tapos sinisi mo naman ngayon si kuya? Ano ka ba Nattasha madami pang oras noh. Akala mo lang na tapos na!

NATTASHA: Basta Carla siguraduhin mo lang na next time,  tayo ang panalo nito! Ayokong maging loser noh lalo na iyang Bella na iyan ang katapat ko! Carla do something please!

CARLA: AKO NANAMAN? Hay nako alam mo kung hindi lang kita best friend pinasok ko na tong water bottle diyan sa bunganga mo eh! 

NATTASHA: Hay nako basta siguraduhin mo lang na next time winner tayo!!!

Alam mo Nattasha pasalamat ka nalang talaga na best friend kita dahil kung hindi baka ano na nagawa ko sayo. Ayan, natigil na ang bangayan namin dahil tahimik kaming nag-iisip ng bagong idea. Kung tatanunin ako kung sino ang masmasama sa amin, sasabihin kong si Nattasha kasi iyan ang dahilan kung bakit ako nagalit kay Andrea eh. At dahil dun, nasanay na ako sa pakikijoin sa pagiging evil niya. 

NATTASHA: O ano may naisip ka na? 

CARLA: Nattasha kung may naisip ako, sasabihin ko naman sayo diba?

NATTASHA: AKO KASI MAY NAISIP! Basta mamayang uwian, samahan mo ko pupuntahan natin siya sa ha?

CARLA: Kinakabahan ako sayo ah baka mamaya kung ano nanaman iyan!

NATTASHA: WAIT.............NGAYON NA KAYA?

CARLA: Sure ka? Okay sige pero siguraduhin mong hindi tayo sasabit diyan!

Kinaladkad ako ni Nattasha papuntang school garden at nakita namin doon si Bella na nagbabasa. Grabe ang sipag niya kung ikumpara sa best friend ko na puro make-up ang laman ng bag. Umupo si Nattasha sa tabi niya at ako naman, tumayo sa harap nilang dalawa. Kinakausap ni Nattasha si Bella tungkol sa studies. Ewan ko ba sa kanya kung part to ng plano niya o talagang tinatanong niya lang. 

Maya-maya kinuha ni Nattasha ang juice sa bag niya tapos ininom ito. Nung malapit niya na itong takpan, binuhos niya ito sa damit ni Bella. Hindi niya napansin na sinadya dahil nagbabasa siya.

NATTASHA: OMG SORRY BELLA! 

Hay ang galing talagang umarte nito pero go with the flow na nga lang ako. 

CARLA: Hala Bella hindi mabilis matanggal yan! And nabasa pa books mo. Diba kailangan iyan mamaya for our Biology class? Siguradong papagalitan ka niyan

NATTASHA: I am so sorry Bella Corpuz!

BELLA: Okay lang to at nangyari na. Ano pa ba magagawa natin? And hindi mo naman ako kailangang tawagin sa buong pangalan ko

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon