Chapter 6

213 8 0
                                    

Saturday morning na at paggising ko, hindi ko nakita sila nanay. Lumakad ako palabas ng kwarto at wala padin sila. Hmm nasaan na kaya yun si nanay? Siguro pumunta siya sa palengke para masimulan na ang pagtitinda niya ng mga gulay para naman mamaya, ipagdidiwang nalang namin ang kaarawan ko.

Oo nga pala birthday ko ngayon! Birthday namin ni kuya Aldrin! Ay, birthday naming tatlo pala nila Carla, nakalimutan ko. Ngayon, makikita ko nanaman sila nila mommy at daddy. Kamusta na kaya sila? Hindi ko pa din malimutan yung araw na parang pinagtabuyan ako ni mommy kaya hindi ko siya magawang harapin.

Biglang namatay ang ilaw kaya sumigaw ako. Pero bumukas din ito at nakita ko si nanay at si Kyle sa harapan ko. May dala-dala si nanay na cake tapos si Kyle naman, may balloons pa na hawak.

"Happy Birthday Bella!!" sigaw nilang dalawa.

Wala akong nasabi kung hindi ngiti. Napakasaya ko, kahit simple lang ito, alam kong kasama ko naman ang mga taong importante sa buhay ko.

"O i-blow mo na yung cake mo. Ako bumili niyan haha." sabi ni nanay sa chocolate cake na siyang paborito ko.

"Salamat nay!"

"Wag mo kalimutang magwish ha" sambit naman ni Kyle.

Sana po maging masaya po ang birthday ko dito kila nanay at sana naman po, maibalik ko na po yung dati naming samahan ni kuya at kung malalaman niya na ako si Andrea at itinago ko yun sa kanya, huwag sana siya magalit. Thank You Lord for giving me another year year!

Hinipan ko na ang cake at nagpalakpakan silang dalawa.

"Ohh ano na wish mo?"

Ano ka ba Kyle! Wish nga eh so I don't wanna say it"

"Wow sosyal na talaga tong best friend ko ah"

"Dati pa yan ganyan ehh pasosyal soyal haha diba nak?" pabiro namang sabi nito ni nanay. 

"Opo nay eh, nasanay po kasi ako sa dati kong pamilya"

Bigla akong nalungkot at napansin yun ni nanay kaya iniwas niya nalang ako

"Halika na kayo wag niyo nang isipin iyan. Kain na!"

Kumuha ako ng paborito kong spaghetti at chicken. Umupo ako sa sofa at tinabihan ako ni Kyle. Ang sarap naman talaga! Mas masarap pa sa Jollibee, KFC, Shakeys o McDo! The best nanay in the whole world!

"Diba pupunta ka sa birthday ni Aldrin mamaya?"  tanong ni Kyle bigla sa akin. Wow ah maka Aldrin naman itong best friend kong ito, akala niya naman close sila hehe kung naririnig ako nito, lagot ako!

"Oo eh pero hindi ako sigurado kasi wala pa yung damit"

"Ano bang oras yan? Gusto mo samahan na kita?"

"7:00 magsisimula eh tapos 9:00 na ako uuwi. Wag na, kaibigan ko naman si Aldrin

"Sigurado ka kaibigan lang ah?"

"Alam mo kahit kailan  baliw ka talaga!"

Tumawa lang ako ng tumawa at hinampas ko siya sa balikat niya at tumawa na din siya. Malapit na akong sumubo ng spaghetti pero biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas ko, lalaking maysuot na uniform ng bodyguard. Alam ko na, na kay Aldrin ito. 

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon