ALDRIN'S POV
Bwisit na bwisit akong umuwi sa bahay dahil sa lahat ng mga nakita at narinig ko. Umakyat ako sa kwarto at humiga sa kama ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ayokong maging close kay Nattasha dahil baka umasa lang yun sa akin. Ayoko din namang mapag-iwanan na sila...ang sweet tapos ako walang kasama. Ano ba to! Sobra na karma ko.
YAYA: Sir., may naghahanap po sa inyo sa baba.
ALDRIN: Sino ho?
YAYA: Si Ma'am Nattasha po.
Bumaba ako at nakita kong nakangiti siya sakin. Hay ano ba tong pinasok ko naman o! Niyakap niya ako bigla at hinila ako papunta sa kitchen. Bigla siyang nagsuot ng apron and hairnet tapos kumukuha ng eggs, flour at mga baking pans. Ano to? Magbabake siya?
ALDRIN: Ano tong ginagawa mo?
NATTASHA: Lika bake tayo ng cookies.
ALDRIN: Sige ikaw nalang
Umalis ako at iniwan kosiya dun sa kitchen. Naghintay nalang ako sa sala dahil tinatamad talaga ako ngayong araw. Dumating na si Carla galing mall at dumeretso agad sa kitchen. Ako naman, nandito parin. Walang magawa eh.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Bella.
Guys, hello! Sino pwedeng itext diyan?
Nagkunwari akong group message yun pero sa totoo, siya lang talaga ang sinendan ko. 5 minutes have passed pero hindi niya parin ako nirereplyan.
CARLA: Kuya help us naman!
Pero umiling lang ako. Sila kasi nagplano niyan eh tapos idadamay pa nila ako. Tinignan ko ulit ang cellphone ko pero wala padin eh. Kanina pa ako naghihintay dito pero walang nangyayari. Habang pinapakeelaman ko ang isang box kung saan nakatago ang mga gamit namin dati, nakita ko ang bubbles na binigay sa akin ni Andrea. Kuya wag mo akong kakalimutan ah! Naalala ko ang mga sinabi niya. Lumabas ako nang hindi nagpapaalam sa dalawang babaeng yun.
Pumunta ako sa tree park nang walang dalang kahit ano. Umupo ako doon sa ilalim ng puno at pinaglaruan ng malungkot ang mga dahon na nahulog. Pero biglang umulan at napakalakas talaga nito. Hindi ko nagawang umuwi dahil sobrang lakas pa ng hangin. Grabe ang lakas talaga ng ulan! Parang end of the world na! Di bali, dito nalang ako magpapalipas.
BELLA'S POV
Naglalakad ako sa Tree Park pero biglang umulan! Ay hindi na pala siya ulan kasi parang napakalakas na bagyo lang eh. Kaya binuksan ko ang payong ko galing sa bag at papauwi na ako nang may makita ako dun sa ilalim ng puno na nauulanan at halatang lamig na lamig siya. Lumapit ako para tulungan at nang tinignan niya ako, si Aldrin pala ito. Nag-isip ako kung ano ang gagawin pero mukhang lamig na lamig na talaga siya eh at nakakaawa naman kaya tinulungan ko na.
BELLA: Aldrin...ah-um sumama ka na sa akin....i-ihahatid na k-kita sa inyo..
ALDRIN: Salamat Bella...
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanfictionHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...