Chapter 5

208 9 1
                                    

BELLA'S POV

Papauwi na ako galing eskwelahan at bitbit ko ang napakaraming books dahil sobrang dami naming assignments. Sumakay ako ng jeep at bumaba sa palengke sa pwesto namin ni nanay. Nakita kong hindi padin sarado ang tindahan kaya binaba ko muna ang bag ko at kinuha ang panindang kakanin para maglako kahit naka-uniform pa ako. 

Nakita ko si kuya na naglalakad at hindi ko alam kung bakit siya nandito kaya nilapitan ko nalang. Kawawa naman kasi eh baka mawala pa. 

"Huy Aldrin! Bakit ka nandito?"

"Hinahanap kasi kita eh. Gusto ko lang ibigay tong invitation para sa birthday namin ng kambal ko."

Ako? Hinahanap ako ni kuya? Hindi ako makapaniwala! Syempre kahit hindi Andrea ang turing niya sa akin, masaya pa din ako dahil kahit papaano, nagagawa niya pa din akong hanapin kahit sa katauhan ni Bella Corpuz.

"Grand celebration? Wow ang swerte naman talaga niyang kakambal mo noh? May 18 layers siguro ng cake tapos 18 shoes."

"Alam mo yung tungkol sa party?"

Seryoso ba si kuya? Ganoon ba talaga ang party ni Carla? Teka, bakit parang idea ko ang lahat ng iyon? Bakit niya kinuha yung plano ko para sa debut ko? Hanggang ngayon ba naman iniinis pa din ako ng babaeng iyon. Daming nalalaman na kaartehan.

"Ahh--eh hindi kasi ganun naman talaga ang mga nagdedebut eh."

"Ahhh...so makakapunta ka?"

"Hindi ako makakapunta eh. May lakad kasi kami niyan. Kailan ba? Saturday noh? Oo may lakad kami niyan"

Ayoko munang sabihin na birthday ko na din sa araw na iyon dahil baka magtaka siya. Kasi nadudulas ako minsan, nasasabi ko yung mga bagay na sinasabi ko dati at malaking punto yung katotohanang parehas kami ng birthday.

Biglang dumating si Kyle, ang best friend ko nang patakbo at masaya.

"Bella! Birthday mo na sa saturday ah! Ano gusto mong ilibre ko sayo?"

Oops mukhang wala na akong takas nito ah. Nalaman na ni kuya, sasakyan ko nalang ang sinabi nitong best friend ko.

"Ahh-ehh, kahit ano nalang Kyle"

"So birthday mo din sa Saturday?"

Gulat na sabi ni kuya Aldrin. Nanlaki ang mga mata niya pero hindi yung mukhang nagtataka o nagdududa. Mukhang masaya siya at buti nalang, ganoon kung hindi patay ako.

"Din? Magkabirthday kayo?" sabi naman ni Kyle

"Ano ba wait!!! Okay so ganito yan, magkabirthday kami ni Aldrin at ewan ko kung bakit. Oo Aldrin, birthday ko din sa Sabado"

"So bakit ayaw mong sumama? Para naman may celebration ka din!" yaya ni kuya sa akin.

"Hindi na Aldrin, wala naman akong karapatan dun tsaka hindi naman ako parte ng pamilya mo."

"Pero kaibigan kita so gusto kong pumunta ka."

"May ihahanda din naman kasi pamilya ko kaya sayang kung aaksayahin ko lang diba?"

Biglang namagitan sa amin si Kyle at tinitigan niya nang husto si Aldrin na parang sinusuri ang bawat detalye ng mukha nito.

"Oo nga maghahanda kami. Kaya hindi na siya sasama sa party niyong yan."

"Pero please Bella kahit dalawang oras lang, pumunta ka." nagpupumilit pa din si kuya.

"OO NA! Basta dalawang oras lang ha? Kaya lang wala akong damit na maisusuot eh."

"Uhmm...shopping tayo mamaya gusto mo?"

"Oo sige pero gagamitin ko pera ko ah"

"Huwag na Bella, ako na. Tutal malapit naman loob ko sayo eh."

Pag-uwi ko ng bahay, kinausap ko agad si nanay tungkol dito. Humingi ako ng permiso para payagan niya akong makasama si kuya pero hindi ko sasabihing si Aldrin ang kuya ko. Naitanong niya din kung paano at bakit kami nagkakilala. Nagkaroon pa kami ng story telling ni nanay para lang payagan niya ako.

"Nay, yung kaibigan ko po inaalok ako na pumunta sa birthday niya sa sabado."

"Ehh birthday mo yun anak ah? Hindi ka magcecelebrate ng birthday mo?"

"Dalawang oras lang naman po ang itatagal ko dun pero buong araw po, dito ako. Grand Celebration po kasi ang meron sila"

"Aba mayaman? Ehh ano'ng isusuot mo niyan?"

"Ililibre daw po ako eh. Nay di ko naman po ginustong ilibre niya ako, siya po yung nagsabi pero pipilitin ko pa din siya na ako na ang gagastos."

"Ahhh okay sige basta kailangan dito mo lulubusin ang malaking parte ng oras mo ha?"

"Opo naman nay, kayo pamilya ko eh"

Mamaya-maya, may biglang nagtext sa akin:

Bella, ipapahatid ko nalang diyan yung isusuot mo ah. Sige goodbye!

Alam ko na, na si kuya ang nagtext pero sino naman ang nagbigay sa kanya? Hay buhay nga naman. Itatanong ko nalang sa kanya once na magkita ulit kami. Ngayon, isasave ko nalang ang number niya, hmm anong pangalan naman kaya?

Ahhh! Yung celebrity crush ko nalang! 

Daniel Padilla

DONE. SAVED!

Nang marinig ko kay kuya na magkakaron sila ng Grand Celebration, paiyak na sana ako pero pinigilan ko lang. Nasasaktan lang ako kasi naging parte ako ng pamilyang Villafuerte pero ngayon parang basura nalang ako. Yung pinapanood ko nalang sila. Parang kahapon lang, kasama ko sila, katabi ko matulog si kuya. Pero ngayon, ni hindi niya ako nakikilala. Ni hindi ko siya matawag-tawag na kuya. Parang ang hina hina ko kasi napakaduwag kong masaktan dahil alam kong pag nalaman nila mommy, wala din naman silang pakeelam. 

Matagal na yun eh. Matagal na nang nagkasama-sama kaming Villafuerte pero parang kahapon lang kasi napakahirap alisin yung sugat eh. Hindi ko magawa! Lagyan ko man ng band aid, betadine...wala padin. Kasi alam kong sila lang ang makakapagpagaling sa sugat na 'to na hindi natanggal ng labingdalawang taon

Sa pagkain ko, sa pagtulog...naaalala ko si kuya. Naaalala ko yung mga masasayang araw namin nung malinaw pa ang lahat. Yung lagi kaming masaya yung lagi niya akong pinapatawa kapag malungkot ako. Yung lagi siyang tumatabi sa akin at pinapakalma ako pag galit ako. Yung taong pumrotekta sa akin kahit na asarin ko siya o tawanan. Kasi turing niya sakin, kapatid. Mahal na mahal ko si kuya kahit hindi ko siya kaano-ano.

 

 

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon