Kakagising ko lang at hindi pa ako nakakakain o nakakapagalmusal. Sunday kasi ngayon kaya late akong gumising. Pagkita ko sa orasan namin, 10:00 am na pala! Pero okay lang yun wala din naman akong pupuntahan. Pumunta ako sa sala at kumuha ng itlog at sinangag para kumain na ng almusal. Nakakainis talaga kapag umaga...wala kang mapanood puro cartoons.
Maya-maya pa biglang may kumatok sa pinto. Nilapag ko muna yung pinggan at binuksan ito. Pagbukas ko, nakita ko si Enrique na nakangiti sa harap ko. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman bahay ko?
ENRIQUE: Hi Bella!
Napangiti nalang ako at nagmukhang walang alam sa mundo.
BELLA: Hindi ka man lang nagsabi na darating ka. Tignan mo ko, kakagising ko palang as in kakagising palang talaga.
ENRIQUE: Okay lang iyan, wala padin namang pinagbago sa kagandahan mo eh.
Hindi nalang ako sumagot at bigla kaming nakita ni nanay.
BETH: O Bella gising ka na pala
BELLA: Nay si Enrique po. Kaklase ko.
BETH: Masgwapo dun sa laging naghahatid sayo ah..Sino nga ulit yun?? Si Aldrin yun noh?
Tumango nalang ako at nakita ko ang mukha ni Enrique na parang disappointed.
ENRIQUE: Hindi mo sinasabi lagi ka palang binibisita dito ni Aldrin.
BETH: Iho hindi lang bisita, para ngang body guard na yun ni Bella eh.
BELLA: Nay.........
BETH: Sige pasok ka muna...
Pumasok kami sa loob at nagkatabi kaming dalawa ni Enrique sa sofa. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin dahil hindi naman kami close at nahihiya na din ako.
ENRIQUE: Bella for you...
May inabot siyang roses sa akin at halatang fresh na fresh parin ang mga iyon.
BELLA: Salamat...sana hindi ka na nag-abala pa.
BETH: Manliligaw ka ng anak ko?
HIndi namin napansin na nasa likod lang pala namin si nanay. Kaya bigla nalang akong natawa ng mahina kaya natawa na din tong si Enrique. Matagal siya bago makasagot kaya ako nalang ang sumagot para sa kanya.
BELLA: Nay magkaibigan-----
ENRIQUE: Opo balak ko pong manligaw sa anak niyo.
Bigla niyang pinutol ang sasabihin ko. Nagulat nalang ako nang sabihin niya yun sa harap ni nanay pero napangiti si nanay.
BETH: Ah o sige maiwan ko na kayo.
Kita ko sa mata niya na sobrang saya na wala nang bukas. Nakaalis na si nanay para dumeretso sa palengke at naiwan kaming dalawa doon. Nilagay ko na ang ginamit kong pinggan sa lababo at bumalik sa sala.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanfictionHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...