Tumatakbo kami ng driver na nakasagasa kay Bella papuntang ospital. Inaksyonan kaagad siya ng mga nurse at sinakay na siya sa hospital bed. Dinadala na siya sa operating room para gamutin ang sugat na natamo niya. Habang tinitignan ko siya na walang malay, at duguan ang parte ng katawan niya, wala kong naisip kung hindi sisihin ang sarili ko dahil kung hindi ko siya kinulit, hindi manganganib ang buhay niya.
Dumating na sila tita Beth at mommy dahil habang nasa van, tinawagan ko na sila. Nakita ko ang sobrang pag-alala ni tita kay Bella habang sumisilip siya sa operating room. Lalo tuloy ako ginagambala ng konsensya ko.
ALDRIN: Tita sorry po. Kasalanan ko po kung bakit nangyari ito.
BETH: Wag ka munang magsorry kasi wala namang maygusto sa nangyari diba? Pero wag lang sana umabot sa puntong mag-aagaw buhay ang anak ko dahil baka hindi kita mapatawad.
Tinignan ko si mommy at umiling nalang siya sa akin. Umupo ako doon sa upuan at tinabihan ako ni Carla. Buti naman hindi na sumama si Nattasha.
CARLA: Kuya do you want to go with me in the grocery? I'll just buy food for everyone lang naman.
ALDRIN: Hindi na...dito nalang muna ako kay Bella.
CARLA: Mahal na mahal mo talaga siya noh....
ALDRIN: Oo...sobrang mahal na mahal na mahal ko siya. Bumili ka na ng pagkain.
Nakakagulat dahil hindi tumutol si Carla sa sinabi ko. Ngumiti pa nga siya eh. Nakakapanibago lang kasi dati ang taray taray niyan pero ngayon, parang sinapian ng anghel.
Pagkatapos ng 20 minutes, lumabas na ang doktor na humahawak sa kondisyon ni Bella. Tumayo kami agad at si tita Beth ang kinausap niya.
BETH: Doc kamusta na po ang lagay ng anak ko?
DOC: Wala namang masyadong injuries ang naganap. Puro minor lang ang natamo siya pero ang problema, we need to have blood transplant.
BETH: Blood transplant?
DOC: Opo.
BETH: May iba pa bang paraan?
DOC: Wala na ho eh. Sige ma'am excuse me po muna aasikasuhin ko pa yung kondisyon ni Ms. Corpuz.
SAB: Beth, may problema ba? Madali lang naman magpablood transplant ah. Nanay ka naman niya.
BETH: Ahhh ehh oo nga madali l-lang siya.
SAB: So kailangang mapablood transplant na iyan bukas para makalabas na siya agad. Since mahal ng anak ko ang anak mo, tutulong ako sa bayarin dito.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
Hayran KurguHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...