Chapter 32

137 4 0
                                    

ALDRIN'S POV

Sa lahat naman talaga ng pwedeng maging anak nung may-ari, bakit yung nakabangga pa ni Bella na pinagselosan ko sa airport?! Talaga bang nananadya ang tadhana at talagang pinahihirapan ako ng ganito? Kasi pwede din eh, cute siya at sabi nga ni Bella mukhang anghel yung itsura eh. Eh ako, bad boy ang mukha. Ano ba ang mas may appeal at masnakakagwapo? Bad boy o mukhang anghel? Bad boy diba? Kasi masnakaka inlove!

CARLA: Si kuya naman ang lalim ng iniisip.

Pagsingit ni Carla na umupo sa tabi ko, dito sa swing. May playground kasi dito eh. Nakabihis na siya ng beach shorts tsaka sando kasi mamaya na ulit sila magsiswimming ni Bella.

ALDRIN: Binuking mo naman ako kanina kay Dad eh.

CARLA: So totoo ngang nagseselos ka? Kuya kasi eh super torpe mo! 

ALDRIN: Sinabi ko na nga sa kanyang nagseselos ako eh.

Umirap siya.

ALDRIN: O bakit ka umirap?

CARLA: Hindi naman kasi yun. Ang ibig kong sabihin, ligawan mo na si Bella! Tutal you have the same feelings for each other kaya sasagutin ka nun.

ALDRIN: Parang kayo ni Enrique ganon?

Bigla siyang kinilig at ngumiti.

ALDRIN: Eh papaano ko naman gagawin yun? Haharanahan ko?

CARLA: Hindi lang kuya. I have plans for you pero kailangan magpaparticipate ka ha!

Hinila niya ako papunta sa room namin at binuksan niya ang cabinet. May nilabas siyang isang notebok at binuksan ito. Sinilip ko pero nilayo niya sa akin.

CARLA: Kuya ito kasi yung gusto kong gawin saking panliligaw ng isang guy.

ALDRIN: Carla...si Bella.

CARLA: Ito kaya yung dream ng madaming girls from a survey! Ano ka kuya! So ito na....

Pinabasa niya sa akin ang nasa notebook. Tumingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng napakalaking smile.

ALDRIN: Paano ko matatapos ang lahat ng ito para bukas?

Nanlaki ang mata niya

CARLA: What?! Bukas?! 

ALDRIN: Oo naman baka maagaw pa sa akin nung Richard na yun eh.

CARLA: Oh sige na kuya susuportahan na kita.

Umalis muna ako at pumunta sa seaside. Nakaupo ako doon sa upuan na pang sunbathing pero hindi ako humiga, umupo lang. Gusto kong pag-isipan kung paano, saan at bakit ko liligawan si Bella bukas ng gabi sa harap ng lahat.

Paano?

Gagawin ko ang tinuro sa akin ni Carla at sasabihin ko lahat ng gusto kong sasabihin. Para hindi ako mahirapan, hindi ko yun gagawing scripted kasi kukunin ko ang mga salitang sasabihin ko galing sa puso ko. 

Saan?

Si Carla na bahala tapos tutulungan ko siya sa props and management ng mga taong kailangan para maging successful.

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon