Hindi padin ako makaget-over sa nangyari kahapon. Bwisit na bwisit padin ako kay Nattasha. Nako kung makita ko lang yun, malalagot sa akin yun. Naninira pa kasi ng buhay ng may buhay eh. Kung sa bagay, wala kasing love life kaya naiinggit. Biglang may tumawag sa pangalan ko at alam kong si Aldrin yun pero hindi ako lumingon at hindi din binilisan ang lakad. Yung wala lang, normal lang. Naabutan niya ako at sabay na kaming naglalakad.
ALDRIN: Sabay na tayo.
Pero hindi ako sumagot sa tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko to bigla. Ayoko ngang mahawakan kamay niya (#medyopakipot)
ALDRIN: Uhmm Bella, gusto mo manood mamaya? Uhmm Batch competition ng basketball. Please Baba?=)
Sabi niya ng may cute na ngiti pero nagmatigas padin ako. Ang layo kasi ng classroom eh kaya sabay kaming naglalakad -_-
ALDRIN: Ako na magbubuhat niyang bag mo mabigat ata eh.
Ayoko nga! Buhatin mo bag ni Nattasha. Hay at last nakarating na ako sa classroom at umupo na sa chair ko. Nagsimula na ang klase pero hindi padin ako tumitingin sa kanya. Please mata wag kang titingin sa kanya please please please.
Recess na at sabay kami ni Carlang bumibili sa cafeteria ng pagkain. Tumakbo papunta sa amin si Aldrin.
ALDRIN: Bella, sinave na kita ng upuan dun sa table.
Hindi ko padin pinansin. Bumalik na kami sa table at si Aldrin naman, pinatawag ng coach nila dahil may pagmemeetingan daw sila. Si Carla, biglang humarap sa akin at nangalabit.
CARLA: Magkaaway kayo ni kuya???
Tumango nalang ako at kinwento ko sa kanya ang nangyari.
Pagkatapos kong ikwento...
CARLA: WHAT??!!!! Maninira talaga ng relasyon iyang mga maldita, demonitang babaeng iyan!!! Nakakainis.
BELLA: Yun nga eh. Kaya pag nakita ko iyan, malalagot sakin.
CARLA: So paano na kayo ni kuya??
BELLA: I asked for a cool off para naman ano diba...
CARLA: That wouldn't help! Basta mamaya may plano ako sa inyo.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanfictionHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...