Tapos na ang recess at pabalik na ako ng classroom pero lumapit sa akin si Mrs. Peralta at sinundan ko siya sa office niya. Siguro, tungkol to sa nangyari kanina sa cr. Hay nako basta ako, inosente ako at pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Pumasok kami sa office niya at nakita ko dun sila Nattasha na masama ang tingin sa akin. Umupo kami sa harap ni ma'am at kinausap kami.
MRS. PERALTA: Ms. Corpuz, nagsumbong sa akin ang kabatch mo na si Nattasha. Sabi niya nginudngod mo daw ang mukha niya sa lababo ng cr at inuntog ang ulo niya sa pader. Is that true.
Inuntog sa pader? Gawa-gawa talaga ng istorya tong bwisit na to.
BELLA: Ma'am it was just a self defense. Pinasok nila ako sa cr at nilock ang door. Pinilit kong lumabas para umiwas sa gulo pero ayaw nila ko paraanin. Ininsulto nila ako at ang pagkatao ko kaya nagawa kong hilahin ang buhok ni Nattasha. Opo, inaamin ko na nangudngod ko ang mukha niya pero hindi naman ko sadya yun at hindi po totoong inuntog ko ang ulo niya sa pader.
MARIEL: Kitang-kita namin.
BELLA: May ebidensya ba kayo? Bakit hindi niyo pinicturan kung talaga ngang ginawa ko?
MRS. PERALTA: As of now, wala pa tayong evidences na pwedeng ipatong sa issue na to. Bella, kapag napatunayang ginawa mo nga talaga ang sinasabi nila, pwede kang ma-suspend or ma-expell.
BELLA: Ma'am hindi po pwede. Scholar lang po ako at hindi po ako papayag na ang walang saysay na usapang ito ang sisira ng mga pangarap ko. Ma'am ako nalang po ang pag-asa ng nanay ko para makaahon sa hirap eh. Please po inosente ako sa nangyari.
ZELE: Wala na Bella...nagawa mo na. Hindi mo na mababawi.
BELLA: Mga wala talaga kayong konsensya at puso. Hindi niyo kasi nararamdaman yung nararamdaman at pinagdadaanan ko eh! Excuse me po ma'am.
Lumabas na ako at naglakad papuntang classroom. Nilapitan ako ni Aldrin kaya ko biglang pinunasan ang luha ko.
ALDRIN: Umiiyak ka?
At umiling nalang ako tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.
ALDRIN: Bella, umiiyak ka eh. Ano ba problema? Ako naman ang tutulong sayo this time.
BELLA: Sila Nattasha kasi. Kanina, hinila nila ako sa cr tapos nilock yung door. Ininsulto nila ang pagkatao ko sa loob kaya napilitan akong ingudngod yung mukha niya sa lababo pero hindi ko naman sinasadya eh. Nadala lang ng emosyon at sinasabi nilang inuntog ko ulo niya sa pader pero HINDI!!
Tumigil kami at hinawakan niya ang dalawang braso ko. Ang bilis-bilis ko kasing magsalita eh.
ALDRIN: Uy kalma ka lang, maaayos yan okay?
BELLA: Eh kasi naman kapag napatunayan nila yun, maeexpell or masususpend ako!

BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanfictionHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...