Chapter 10

197 8 0
                                    

Gumising ako ng 5:30 dahil 6:00 ako papasok. Inihanda ako ni nanay ng paborito kong almusal, ang hotdong na may kanin at gatas. Binilisan ko ang pagkain ko at dumeretso na sa banyo maya-maya. Paglabas ko, pumunta ako sa kwarto para magbihis at ayan na! Patunay na isa na akong student ng Enderun Colleges! Sinuot ko ang sapatos ko, nagmano kay nanay at umalis na.

Sumakay ako ng jeep at naglakad pa bago makarating sa bago kong paaralan. Grabe excited na excited na ako at pinagtitinginan na ako ng mga tao sa jeep dahil sa abot tenga kong mga ngiti. Hanggang sa paglakad, hindi padin nawala ang ngiti sa mukha ko. 


Pagkatapos ng dalawang minuto, exactly 5:55, nakarating ako sa school. Nagtanong muna ako sa guard at tinuro  niya ang daan papunta sa klase ko. 


Kumatok ako at binuksan ang pinto. Hindi pa ako nakakapagsalita at pinapasok na agad ako ng magiging adviser ko. Isa siyang babae na hindi naman mukhang masyadong matanada, yung tama lang. Siya si Mrs. Peralta, my new adviser.

"Class, this is Bella Corpuz your new classmate so please be kind to her." sabi nung teacher namin na nakatayo sa harapan.





Habang nagsasalita ang teacher namin, napansin ko sa likod na nandoon si kuya Aldrin! Magkaklase pa kami! Grabe siguradong masaya ang pagpasok ko nito araw-araw. Nakita ko din sa kabilang dulo si Enrique pero sa harap, nakita ko si Carla na nakatingin sa akin. Alam ko namang magkasundo na kami kaya hindi na ako kakabahan pa.

"Bella, there's a vacant seat beside Mr. Enrique so you may now sit there." sabi niya.



Tumango ako at dumeretso na sa place kung saan ako inassign. Hindi ko inaakalang makakatabi ko si Enrique. Medyo kinakabahan ako kasi hindi kami masyadong close. One night palang kami nagkasama. Pagkaalis ng adviser namin, humarap agad sa akin si Enrique at kinausap ako. 


"So Bella dito ka na pala nag-aaral?" tinanong ako ni Enrique.

Hindi na ako sumagot dahil obvious naman kasi na dito ako nag-aaral eh. Hindi naman to joke time. Alangan naman kasing pumasok lang ako dito kasi trip ko diba?

"Tutulungan kita sa lahat" sabi niya.

"Wag ka nang mag-abala pa dahil kaya ko naman to eh. Tsaka nandiyan naman si Aldrin"


Biglang naging malungkot ang mukha niya tapos ngumiti na din siya pero halatang pilit na pilit naman.


"Nagseselos na 'ko ah. Bakit puro nalang si Aldrin?"

"Ahh eh kasi diba close kami kaya ayun" naghanap na din ako ng rason para makalusot.

"Ehh pwede din naman tayo maging close ah, ayaw mo ba?"

"Andyan na si ma'am baka pagalitan tayo"



Buti nalang at dumating na si ma'am dahil hindi ako sanay makipagusap sakanya. Di tulad kay Aldrin, free akong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Yung pumasok na teacher ay yung teacher namin sa Biology. Grabe naman kakasimula ko palang dito at project na ang binigay. 

"Class I will discuss the project that you will have okay?"

Lahat kami nagsabi ng "Yes Ma'am" dahil alangan namang hindi kami sumagot.

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon