Chapter 20

150 5 1
                                    

BELLA'S POV

Umaga na at papasok pa ako. Alam niyo ba kung bakit hindi ako nakapasok? Kasi may mataas na lagnat ako kahapon tsaka ang sakit-sakit ng katawan ko. Hindi ako sigurado kung kakayanin ng katawan kong pumasok pero itutuloy ko alang-alang sa grades ko.

Papunta na ako sa classroom pero naglocker muna ako. Binuksan ko ang locker at kumuha ng books. Bakit walang letter? Bakit hindi nagbigay si Aldrin? nakakapagtaka naman. Pumasok na ako sa classroom at umupo doon sa upuan ko. Wala pa si Aldrin kaya nanahimik nalang ako. 

ENRIQUE: Bella....

Humarap ako kay Enrique at may nakita akong pasa sa mukha niya. Huh? Paano to nagkapasa? Anong nangyari sa kanya?

BELLA: Enrique bakit may pasa ka?

Ngumiti siya ng malaki at hindi ko alam kung bakit. Nagkapasa na nga nagawa pang ngumiti hayy....hahaha.

ENRIQUE: Wala to nakipag-away lang ako diyan sa kanto.

BELLA: Sa susunod mag-ingat ka ah! Baka madisgrasya pa lalo iyang mukha mo. Mag-ingat ka naman kasi.

ENRIQUE: Yieee concerned sa akin.

Tumawa na lang ako at umiling. Bumukas ang pinto ng room at dumating na si Aldrin. Aba may pasa din? Baka naman pinagtripan lang silang magbest friend. Hay...itatanong ko na nga lang mamaya.

MRS. PERALTA: Okay class...I will call somebody and he/she MUST answer my question.

Tumango kaming lahat.

MRS: PERALTA: Villafuerte stand. 

Tumayo si Aldrin at mukhang napakatamlay niya talaga.

MRS. PERALTA: Mr. Villafuerte, can you please define what Rational Expressions are.

HIndi nakasagot si Aldrin. Nakatungo lang siya. 

ALDRIN: Ma'am I don't know........

MRS. PERALTA: Yan lang ang isasagot mo sa akin??? Nandito ka naman kahapon ah! Eh si Bella nga baka alam eh. Absent pa yan ah....Bella, define it.

Tumayo ako ng tuwid at sumagot sa guro.

BELLA: It is in a form of P over Q where P and Q are both polynomials and Q is not equal to 0.

MRS. PERALTA: Very well said. Now both of you sit down.....Aldrin, please concentrate.

Natapos na ang klase at lumabas na kami. Nakita ko si Aldrin na nakaupo doon sa may bench malapit sa fountain. Tinabihan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Pero habang nakatitig ako sa kanya....naalala ko ang sinabi ni nanay.

Pagbigay ng respeto sa kapatid

Pagbigay ng respeto sa kapatid

Pagbigay ng respeto sa kapatid

Pagbigay

ng 

respeto

sa

kapatid......................................................

Kaya bigla kong binitawan ang kamay niya at napatingin siya sa akin bigla.

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon