Bumaba ako ng sasakyan. Pagbaba ko, umapak ako sa isang red carpet papasok ng simbahan. Nakasuot ako ng white gown at ngayon, pumapasok na kami ni nanay sa loob. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Nakita ko si Aldrin doon sa may altar na pinapanood akong maglakad. Happily ever after na kaya ito? Nangiyak-iyak ako sa saya at nang nasa altar na kami, bumalik na si nanay sa uupuan niya at inalok ni Aldrin ang kamay ko.
Unti-unti nang natatapos ang wedding ceremony at malapit na kaming iproclaim as husband and wife. Ayan na......malapit na..........malapit na malapit na.........
KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!
Tumunog ng malakas ang alarm clock. Hay nako push mo yan! Panaginip lang pala ang lahat? Akala ko naman totoo na. Akala ko matutupad na ang pangarap ko...yung ikasal sa taong pinakamamahal ko. Yun pala panaginip lang........hay, hindi talaga...never talagang naging totoo ang happy endings!
Nagtoothbrush at nagsuklay ako para makalabas na dahil gusto ko nang makita ang boyfriend ko. Pinuntahan ko sila sa room nila pero nungnaglalakad ako, may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko si Aldrin.
BELLA: Pupuntahan sana kita.
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
ALDRIN: Good morning!
Napatawa ako sa accent niya ng pagsasalita.
BELLA: Good morning sir!
ALDRIN: Let's go to the beach?
Tumango ako at naglakad na kami habang siya, nakaakbay sa akin. <3
Umupo kami sa sand pero ang mga paa namin, nasa bandang dagat na.
BELLA: Alam mo napanaginipan ko yung dream wedding ko.
ALDRIN: With?? Me?
Natawa ako sa sinabi niya.
ALDRIN: Hindi ako?
BELLA: Syempre ikaw.
ALDRIN: Eh bakit ka natawa?
BELLA: Kapag tumawa, ibig sabihin mali ka na agad? Di ba pwedeng kinilig muna?
Sumandal ako sa braso niya at tinignan ang peaceful view ng dagat.
ALDRIN: Sana magkatotoo yun.
Bigla akong nalungkot.
BELLA: Paano...paano si Nattasha? Alam kong tututol talaga yun sa relasyon natin.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanficHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...