Chapter 29

140 6 1
                                    

ALDRIN'S POV

Thank God okay na si Bella.

One week na siyang nakalabas sa ospital. May nakuha kaming dugo na nagdonate tapos nagpahinga pa siya doon pero nakalabas na din. 

Hindi na din siya aalis. Ang saya-saya ko nga kasi pinag-aaral siya ni mommy sa Enderun bilang pagbawi sa lahat ng pagkukulang niya. 

Kami naman ni Carla...parang big Andrea at Aldrin na kasi lagi kaming magkasundo at hinding-hindi na kami nag-aaway ng sobra tulad dati. 

Sila naman ni Bella, naging best friends na. Lagi na silang magkasama hindi gaya nung dati, akala mo wala nang bukas kung mag-away.

Si Nattasha naman, nasa Enderun padin pero sabi ni Carla,,,inaaway padin niya si Bella. Hay nako, ang mga tao talaga mahirap magbago. Buti na nga lang si Carla mabiilis. Villafuerte kasi eh. Nainfluence lang naman iyan ng dati niyang bruhang best friend.

CARLA: Huy kuya!

Paggulat sa akin ng kapatid ko. Nakaupo kasi ako dito sa sala ngayon, medyo nakatulala nadin. 

CARLA: Kuya naisip ko lang, why don't you court Bella na kaya? Oh my god I'm sure you're gonna be the best couple who ever lived!!!

Tumingin ako sa kanya ng seryoso pero bigla na din akong napangiti sa asar niyang mukha.

CARLA: Ito naman suggestion lang.

ALDRIN: Ano ka ba papaano si Enrique?

CARLA: Ako na bahala dun kuya. Kakachat nga lang sa akin eh! Ang sabi, kung pwede daw akong ligawan.

Napatayo ako sa sinabi ni Carla.

ALDRIN: Ikaw naman ang liligawan ngayon?! Ayos yun ah! Ano tingin niya sayo?! Ano tingin niya kay Bella?! Ganun lang kadali?! Eh kung upakan ako dati parang hindi na bibitawan si Bella tapos ngayon sayo naman?!

CARLA: KUYA KALMA NAMAN....................

Napaupo ako.

CARLA: Kuya I'm EIGHTEEN, okay? 

ALDRIN: Hay ikaw bahala basta once na sinaktan ka niyan, kakalimutan kong naging best friend ko iyan...

CARLA: Awwwww...I love you kuya!

Niyakap niya ako ng mahigpit at napangiti nalang ako. Ngayon ko lang talaga nalaman na sweet to ha.

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon