ALDRIN'S POV
Gusto kong makita si Bella mamaya dahil gusto ko na siyang ligawan ng pormal. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kasi ayaw kong makuha siya sa akin ng iba lalo na ni Enrique na alam kong papaiyakin lang siya. Ugh hindi ako makapag-isip dito ang ingay kasi nila. Nanonood kasi kami ngayon ng horror movie sa bahay namin. Sabi nga ni Nattasha dun daw siya matutulong sa kwarto ni Carla eh tapos sila Jerome at Sam sa kwarto ko.
CARLA: OMYGAAAHD!!! NAKAKATAKOT!
Lahat kami tumawa sa pagkasigaw niya. Wala naman kasing nakakatakot sa scene na iyon eh. Masyado lang talaga siyang OA hahaha sorry sis.
NATTASHA: Oh my naman Carla wala namang nakakatakot dun
Umirap si Carla at dumikit kay Jerome. Hala? Akala ko ba kay Enrique to? Tapos ngayon kay Jerome na. Pero sa bagay, nung wala pa si Enrique, si Jerome na type niya.
CARLA: Jerome nakakatakot!!
Ito namang si Jerome, may gusto din kay Carla kaya inakbayan pa to.
ALDRIN: Jerome dumadamoves ka nanaman diyan ah.
Lumabas muna ako para magpahangin sa garden namin. Habang nakaupo ako, napansin ko yung bubbles na nasa sahig ng lupa nakakalat. Pinulot ko ito at ito pala yung binigay sa akin ni Andrea. Nahulog ko ito siguro nung magkasama kami dito ni Bella pauwi habang umuulan.
Hindi ako makapaniwala na parang pinagpapalit ko na si Andrea kay Bella. Na hindi ko na namalayang nahulog ang ala-ala kong ito nang dahil kay Bella. Naisip ko lang na baka balang araw, dahil sa pagmamahal ko kay Bella, makalimutan ko na ang pangalan ni Andrea.
SAB: Aldrin, why don't you join them?
Tumingin ako sa likod at nakita si mommy na nakatingin sa akin.
ALDRIN: Wala po mom. May iniisip lang ho ako.
SAB: Sino? Si Andrea?
Lumapit si mommy sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
SAB: Aldrin, alam kong naging hindi maganda ang pagsasama natin nung nawala ang kapatid mo. Nagkamalabuan tayo at lagi tayong nag-aaway.
ALDRIN: That's because you forgot her. It's like she has never been your daughter.
SAB: Aldrin, hinanap ko si Andrea. All this time, wala akong ginawa kung hindi umiyak gabi-gabi. Nagsisisi dahil naging madali sa akin ang pagbibigay kay Andrea sa totoo niyang magulang. Hindi ako naging mabuting ina.
ALDRIN: Oo mommy hindi. Hindi kayo naging mabuting ina pero naging mabuti kayong ina at ama sa amin. Laging wala dito si daddy kaya ikaw ang laging nandito para sa amin. Wala kang ginawa kung hindi gawin ang makakabuti sa amin.

BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
FanfictionHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...