Chapter 16

151 6 0
                                    

Umuwi na ako ng bahay, dala-dala ang corona na napanalunan ko at ang sash na "Ms. Enderun 2013". Grabe hindi parin ako makapaniwala na ako ang nanalo. Syempre gusto ko naman na manalo haha pero hindi lang talaga ako makapaniwala. Nanonood ako ngayon ng palabas nang may tumawag ng pangalan ko galing sa labas at alam kong boses yun ni Kyle kaya binuksan ko. 

KYLE: Bella ano na nangyari sa inyo?

Pinapasok ko muna siya bago ko sagutin ang tanong niya. umupo kami sa sofa at nag-uusap dahil hindi na din kami nakakapagbonding.

BELLA: Syempre nanalo ako hahaha hindi ka makapaniwala noh?

KYLE: Maniniwala ako sayo kasi best friend kita eh. Tsaka alam kong deserving ka naman.

BELLA: Thank you. 

Biglang dumating si nanay at nakita kong madami siyang dala kaya tinulungan ko. Nilagay ko sa mesa ang dala-dala niya at niyakap siya ng mahigpit.

BETH: Anak bakit?

Ngumiti ako at tumawa.

BELLA: Nay naman niyayakap ka lang. Ano po kasi, salamat kasi nanalo ako. Ito po oh!

Pinakita ko nag korona at ngumiti siya nang paiyak na ng konti. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita kong saya sa mukha ni nanay. Para bang mamatay na ako na hindi niya na ako makikita pa. 

BETH: Grabe Bella, tuwang-tuwa ang nanay sa iyo. I'm natutuwa to you.

BELLA: Nay.............I'm proud of you po hindi I'm natutuwa to you, hahaha maraming salamat nay!

BETH: Haha ikaw ah inano mo pa ako. Ano ka ba wala lang yun.

2ND DAY OF SCHOOL FEST WEEK

Ang init naman nakatapat ako sa araw. Nag-aayos kasi kami ng booth namin na "Picutre of Us". Sa booth na ito, kailangan mo lang magbayad ng 20 pesos at magkakaroon na kayo ng 4 pictures na nakacollage na kapag pinrint. Yung para bang sa Timezone photobooths. Inaayos ko ngayon ang backgrounds na gagamitin namin. Meron hearts, may sun, may clouds at may plain. Pwede din nilang ipadesign sa amin ang picture pero may additional 10 pesos.  

Dumating si kuya nang may dala-dalang cash box. Siguro ito yung paglalagyan ng benta namin. Hmm...ang bagal niya naman ang liit lang ng dala! Tulungan ko na nga baka himatayin pa eh.

BELLA: Ako na diyan! Parang hirap na hirap ka eh. 

Binigay niya sa akin ang box at oo nga ang bigat. Ano kaya ang laman nito?
ALDRIN: O diba mabigat? Tapos galing pa ako ng 3rd floor niyan ah...sino ang hindi mapapagod ahahaha Bella naman o. 

Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko dahil after 15 minutes, magsisimula na ang opening of booths. Si kuya ang nag-aayos ng machine, si Carla naman, inaayos ang curtains ng booth at ako, yung backgrounds padin. 

ALDRIN: Ano tulungan na kita diyan? Parang di mo abot eh.

BELLA: Uy excuse me ha...kanina pa kasi ako nag-aayos dito kaya nangalay na ako.

ALDRIN: Hahaha quits na tayo ha! Sige maiwan ko na kayo dito guys.

Pag-alis ni Aldrin ay nakita kong nakasalubong niya si Enrique habang naglalakad at bigla silang nag-usap. Grabe naman napakaseryoso ng usapan ng dalawang to.

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon