Chapter 7

193 7 1
                                    

ALDRIN'S POV


Nagbabasa ako ng magazine nang may mangistorbo sa akin. Si Carla palapit ng palapit nang nakasimangot at alam ko na kung ano gagawin nito. Aawayin nanaman siguro ako nito dahil inubos ko yung chocolates na uwi ni daddy. 

Tinignan ko lang siya, yung nakakaasar na tingin kaya lalo siyang nabwiset.

"Kuya who is that Bella?" tanong niya na akala mo ay detective o pulis na nagiimbestiga ng krimen.

"Kaibigan ko"

"Iyan lang ang isasagot mo?"

"Bakit ba Carla? It's not your business okay? Umalis ka nalang at nagbabasa ako, nakikita mo naman diba?"

Nang sinabi ko yun, hindi siya umalis. Lalo lang siyang lumapit sa akin at hinablot ang magazine na binabasa ko. Wala talagang manners kahit kailan.

"Kasi sinayaw niya si Enrique kagabi! Kuya it's my birthday pero yung taong gusto ko, siya ang kasayaw. Sino ba siya in the first place? Diba inimbita mo lang naman siya?"

"Alam kong sinayaw niya kagabi si Enrique. Birthday niya din eh bawal ba?"

"What?! Ohh well I know that pala. Pero ako ang bida, ako ang star of the night! Please tell her na layuan kayo ni Enrique, gets mo kuya?"

Pilit niyang hinahablot ang braso ko pero isa lang ang magagawa ko, hinding-hindi ko susundin ang gusto nilang magbest friend.

"At nasama naman ako? Weird mo talaga kahit kailan eh noh!"

"Kasi Nattasha has a crush on you tapos nakikita ka niyang laging kasama si Bella?"

"Friends kami ni Bella okay? So wala na siya dun kung maging close man kami. Eh bakit kami ba ni Nattasha? Di naman diba? Asa!"

"Kuya please kahit dito pagbigyan mo nalang ako. Kahit hindi na dun sa freak mong kakambal na si Andrea!"

Okay pa sa akin ang insultuhin niya ako o palayuin niya ako kay Bella dahil hindi ko naman talaga gagawin yun. Walang mangyayari kung maiinis at papatulan ko pa ito. Pero nung tinawag niyang freak si Andrea? Aba baka hindi ko na siya palampasin. For twelve years, wala siyang ginawa kung hindi masamain ang kapatid ko.

"Please Carla umalis ka na. Ayokong magalit sayo okay?"

"Basta layuan kayo ni Bella, okay na ko dun! Hindi namin makayanan ni Nattasha na everytime I see her eh makikipagplastikan kami. Alam mo kuya para siyang si Andrea. Parehas lang yung galit namin sa kanya kumpara sa kambal mong hindi naman talaga. At pasabi na din sa kanya na kahit ano pang isuot niyang damit at make-up o sapatos man yan, hindi siya magiging kapantay namin kasi kami mayaman at sikat. Ehh siya? I heard tindera lang siya sa palengke and that's so yucky. Ang dumi dumi dun tapos ang baho pa. Dun pala nakuha ang pagkatao niya, I see.And kuya, pasabi din sa kanya how ugly she is. At sana marealize mo na si Nattasha ang right girl for you hindi siya! Eww...isang Aldrin Villafuerte papatol sa isang Bella Corpuz? Hah, baka naman gumunaw na ang mundo kapag naging kayo. Nakikinig ka ba kuya?

"Dami mong satsat!"

Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko para hindi ko na marinig ang mga sinasabi niyang walang kwenta! At nagresearch pa talaga siya sa mga detalye tungkol kay Bella ha? Ganun ba sila kainteresado niyan ni Nattasha?

"Kuya bumalik ka dito ang dami-dami kong sinabi tapos iyan lang ang sasabihin mo? Ugh!!!"

 Umalis nalang ako kaysa marinig ko pa ang mga sinasabi ni Carla. Alam kong may gusto sa akin iyang si Nattasha pero ayoko sa kanya kasi oo nga maganda siya sobra pero ang arte at maldita yun eh. Popular sa school dahil LANG sa kagandahan. Ehh si Bella? Sa lahat magaling siya.

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon