CARLA'S POV
Nandito kami ni Nattasha ngayon sa library dahil nag-aaral kami at ngayon, siya ang nagyaya. Ewan ko nga kung bakit niyaya niya ako eh wala nga siyang pakeelam sa academics niya eh. Wala siyang ginawa kung hindi magshopping at magpaganda para sa kuya ko.
Kaya ako laging nasa Top Students eh at hindi siya kasama sa mga yun.
"Nattasha parang focus na focus ka diyan sa studies mo ah"
"Alam mo naman kailangan ko lang kasing mapunta sa classes ni Aldrin dahil baka maunahan pa ko ni Bella"
"Ehh pwede naman kitang tulungan kaya wag mo na pahirapan sarili mo tutal boto naman si mommy sayo"
Bigla niyang sinara ang libro, lumapit sa akin at nanlalaki ang mga mata. Ganito niya ba kagusto ang kuya ko? Sa bagay kung sabihin ba naman kasing boto sa akin ang mommy ni Enrique. ganyan din ang reaksyon ko.
"At paano mo naman nalaman? Mamaya chicka chicka mo nanaman iyan eh. Seryoso ka?"
"Kagabi kasi mom scolded kuya for being friends with Bella pero ayaw pumayag ni kuya. Sabi niya pa nga, what if ligawan niya si Bella eh"
"What? You gotta be kidding me Carla. Hindi ako papayag dahil ako yung reyna okay?"
"Alam ko naman yan so we have to make a move"
"Mag-isip ka din, ikaw matalino diyan eh!"
Nag-isip ako ng paraan. Una, inisip ko muna yung mga napanood ko na teleserye para doon ako makakuha ng ideya.
"What if magpanggap tayo na we're sorry for Bella? Then iconvince natin siya na pumasok sa Enderun." sabi ko.
"Uy no way! Makakasama natin siya dito? Baka lalo akong maging pabaya sa studies ko."
"Studies or kuya?"
"Syempre Aldrin"
"So go with the flow! Papapasukin natin siya dito next semester para plastikin siya at pahirapan nang hindi niya nalalaman."
Napaisip muna si Nattasha. Nag-isip pa siya eh wala namang madudulot iyang isip niya. Ni hindi nga yan makapagbigay ng mga ideas niya sa tuwing nag-uusap kami eh. Puro kaartehan lang talaga. At least ako, may talino.
"Plastikan? Okay sure basta dapat ang bagsak niya, sa squatters at ako kay Aldrin."
"Sure! Tayo pa? Kaya natin yan! Naalala mo yung nagawa natin nun kay Andrea? We'll do the same pero pailalim."
Lumabas kami ng school campus at tumambay sa court dahil sabi ng mga napagtanungan namin, lagi daw dumadaan si Bella dun. After 10 minutes of waiting, dumaan na siya kaya kinausap na namin para masmapadali na ang evil plan. Nag-internalize muna ako bago magsalita. Dapat kasi magpanggap ako na seryoso ako at I really mean everything I will say. I need to look like an angel right now.
"Bella!"
Lumingon siya at nakita kami. Lumapit siya sa amin hawak-hawak yung mga paninda niyang kakanin. Iww so many germs!
"Please busy ako madami pa akong gagawin"
Tatalikod na sana siya pero hinablot ni Nattasha ang braso niya. Medyo kinabahan ako dahil mabilis magalit ito. Please Nattasha have patience. Para sayo din ito. sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 1)
أدب الهواةHindi totoo ang happy endings kasi sa storybooks lang makikita iyan. Oo siguro nga may narinig na kayong nagsabi ng happily ever after pero baka sa fairytales niyo lang nakikita. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ito nangyayari sa akin -Bella Corp...