Chapter 40

118 5 0
                                    

It's Sunday! May usapan kami ngayon ni Aldrin na pupunta kami sa mall para mag-date. Ano kaya ang gagawin namin sa mall? Haha excited na ako grabe. Nagdala ako ng pocket money na 1,000 tapos nakausot ako ng simple yellow dress at black flats. Black and yellow ang peg! Sinundo ako ni Aldrin at after siguro mga 20 minutes, nakarating kami sa mall. Bumaba kami ng kotse at nagsimulang maglakad nang naka-holding hands. Napadaan kami sa isang ice cream parlor at pumasok kami doon. Bumili ako ng chocolate ice cream tapos nilibre ko siya ng vanilla.

ALDRIN: Dapat pala ako na ang nagbayad.

BELLA: Ano ka ba ice cream lang to, ikaw pa ba magbabayad?

ALDRIN: Saan mo sunod gustong pumunta?

BELLA: Ikaw bahala...

ALDRIN: Ikaw nga tinatanong eh.

BELLA: Okay okay fine. Kung sa mall, movies lang naman ang pwede nating mapuntahan if we're here for a date eh.

ALDRIN: OO nga pala movies! Ngayon kasi ipapalabas yung favorite kong Man of Steel.

BELLA: Oo nga noh ngayon ang showing nun. SIge sige dun tayo mamaya pero in one condition. Ako ang magbabayad nung akin.

ALDRIN: Hindi pwede.

BELLA: Bahala ka na nga. Basta popcorn at softdrinks, ako na! Okay?

Tumango siya.

ALDRIN: Tapos mamaya arcade tayo!!

BELLA: Ayun! Masaya yun! So, arcade nalang, wag na movies???

ALDRIN: Game! Hahaha arcade nalang.

BELLA: Tapos na ko sa ice cream ko, iiwan na kita diyan haha joke.

Natapos na kaming dalawa kumain at dumeretso na kami sa arcade. Unang-una, pinaloadan ko yung card ni Aldrin using my money. Pinaloadan ko ng 200 dahil alam kong madami kaming gagawin. Nung naloadan na, nagsimula kami sa Whack the Crocodile. Hahahhaa ang bilis naman bumaba nung crocodiles pero at least madami akong nawhack, hindi nga lang perfect. 

ALDRIN: Dun tayo sa basketball!

BELLA: Hahaha ngayon palang dinedeclare na kita bilang winner!

Pumunta kami dun sa may basketball and he swiped the card. Bumaba na yung mga bola at padamihan kami ni Aldrin ng score. Grabe sunod-sunod yung shoot niya! Hahaha 26 na ang score niya pero ako, 10 palang hahaha 16 points ang agwat...hindi ko na maaabot to!

A Piece of My Heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon