Chap. 16 promises + advice = VITS (faith and fravis)

2.3K 42 2
                                    

Chap.16

Fravis pov

"Kainis sabi niya uuwi siya ng maaga pero hello 9 na ng gabi wala pa din siya" tinatawagan ko na din siya kaso hindi siya sumasagot naibalibag ko na lang yung cp ko sa sobrang inis

"AAAAAAHHHHHHH"--sigaw ko dahil sa sobrang inis ko badtrip! Peste!!

Nagpalit ako at nag-ayos lalabas na sana ko para hanapin siya kahit naiinis ako sa kanya

Pero natigilan ako dahil pagbukas ko ng pinto ko nakita ko si faith bumaba sa motor ni allan mukhang ang saya saya nila.

"Sana ako na lang ang dahilan para maging masaya ka"--bulong ko sa sarili ko

Sasarado ko na sana kaso huli na nakita na nila ko pero iniwasan ko na ipakita sa knila na matagal na kong nakatayo don.

"Pardz,knina ka pa andyan"--tanong ni allan pero hindi ko na lang siya pinansin wala akong paki sa kanya

"Fravs! Magaling ka na"--bati sakin ni faith

"Oo sana kaso mukhang sumama na naman pakiramdam ko kasi nkita kita"--maramdaman mo sana na galit ako.

"Ehem! Ehem! "--sabat naman ni allan.

"Tss"--ako yan naiirita ko sa kanila ang bakla pero naiirita ko basta!

"Oh pano pasok na ko allan ingat ka sa pag-uwi"--paalam ni faith kay allan.

At nakita ko kung pano niyakap ni allan si faith nakatayo lang ako na parang napako ang daming pumupukpok sa puso ko at ngayon ko lang naramdaman lahat ng to.

Papasok na sana ko ng bigla siyang nag sorry sakin.

"Sorry fravis"--sambit niya

"Wala na e! Hindi mo na natupad sana sa susunod wag ka ng mangangako kung alam mong hndi mo kayang tuparin"-sabay talikod ko sa kanya galit ako hindi e nagtatampo ko kasi nangako siya minsan lang ako nagtiwala sinayang pa niya.

**

Faith pov

Pagpasok ko sa kwarto ko napaupo at napahawak na lang ako sa mga tuhod ko tsaka ako umiyak hindi ko alam pero ang lakas ng epekto ng mga sinabi niya

Aminado ko kasalanan ko pero hindi ko naman din ginusto na saktan siya nagkataon lang talaga na gusto kong sumaya.

Masaya na sana yung araw na to pero sabi nga nila panigurado kapag sobrang saya mo kasunod niyan ang sobrang kalungkutan.

Umikot ikot na ko sa kama ko para makatulog pero wala pa din kahit ipikit ko yung mga mata ko wala pa din

"AHHHHHHHHHHHHHH""--sabay sa bunot sa sarili ko

Nagpunta ko sa cr at naghilamos

"Ano ka ba faith mawawala din ang galit non, kalma ka lang ok!"--sabay tapik ko sa pisngi ko.

Bumalik ako sa kama kung saan nakita ko si vits na nakatingin sakin at nakadila

"Ang cute mo namang aso ka"--sabay yakap ko aso ko parang si fravis na din tong yakap ko "vits sorry hindi ko natupad yung pangako ko"--naiiyak na naman ako unti unting nabasa ng mga luha ang pisngi ko.

Bumaba ako para uminom ng gatas kaso parang may taong umiinom sa ibaba nakatalikod siya at sa posture niya alam ko na kung sino siya

Babalik na sana ko ng bigla siyang nagsalita

"What do you need"--tanong niya lasing ba siya parang kakagaling lang niya sa iyak

"Wala"--tatalikod na sana ko ng bigla niya kong yakapin patalikod

"Fravs! I'm really sorry"--sambit ko habang basag na din ang boses ko kasi umiiyak na ko

Iniharap niya ko sa kanya at tsaka niyakap

"Faith,it's ok i'm sorry kung nasaktan kita sa mga sinabi ko,it's just that ayoko lang siya para sayo kasi alam ko lolokohin ka lang niya"---sabay halik niya sa noo ko at mas niyakap niya ko ng mahigpit

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at pakiramdam ko ayos na ayos ako hindi ko na kailangan pa ng gatas ang saya saya ng puso ko ang bilis na naman ng tibok niya.

Papasok na sana ko sa kwarto ng bigla niya kong higitin at sinama niya ko sa kwarto niya.

"Anong gagawin natin dito?"--gulat na gulat naman ako.

"Matutulog obvious ba?"--oh ayan.back to bipo alert mr.Sy

"Tabi tayo dalian mo!"--sabi niya aba't anong sira ng utak nito..

"Ayoko nga!"--tanggi ko pa akmang aalis na ko nang bigla niya kong hinila at napahiga kami sa kama at nasa ibabaw ko siya at nagkatinginan kami at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na akmang hahalikan ako napapikit tuloy ako at napanguso pero parang wala naman akong maramdaman na labi at pag mulat ng mga mata ko nakita ko si fravis nakatayo at tawa ng tawa sa harap ko.

"Gusto pala ng kiss ko"--pang-aasar niya sakin

Namula ko at nag-iinit ang mukha ko uusok ang ilong ko sa lalaking to!

Define nakakahiya as in!

Sagad.shit talaga oo!

"Alam mo ikaw peste ka talga!"--pinaghahampas ko siya ng unan

At gumanti naman ang loko hanggang sa naghampasan kami ng unan.

"Mahina ka pala faith manghahampas ka tas susuko ka"--pang-aasar niya sakin

"Mas mahina ka kasi pumatol ka sa babae"-sagot ko naman sabay irap sa kanya.

"Pero fravis bakit ba ayaw mo sakin si allen"--naitanong ko na lang bigla

Matagal na katahimik ang bumalot sa buong paligid

Tumayo siya at tumayo din ako

Hinawakan niya ko sa mukha

Naginit naman ako bigla pakiramdam ko namumula na naman ako.

"Ayokong saktan ka niya,kasi sakin mahalaga ka"--sabay pindot niya sa pisngi ko at ginulo pa niya ang buhok ko.

"Hindi naman ako sasaktan non pano ka magmamahal kung lagi ka na lang matatakot masakatan? Sa tingin mo ba sasaya ka kapag pinairal mo lagi yung takot mo na BAKA SAKTAN KA LANG NIYA--baling ko ulit sa kanya.

"Minsan sa sobrang saya mo sa mga bagay bagay hindi mo na papansin na kaya kang saktan ng lahat ng bagay na kapag papasaya sayo.parang siya kaya ka nga pasayahin pero pano pag nawala siya sa tingin mo ba? Makukuha mo maging masaya gaya ng dati? Hindi ako hadlang sa pagiging masaya mo ang akin lang mag-ingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan mo dahil lahat ng tao kaya kang pasayahin pero iilan lang yung taong totoo na makikilala mo"--sagot niya napatulala na lang ako di ko akalain na lahat ng ganyang bagay sa kanya magmumula.

Isa na yan sa mga pinakamahabang bagay na sinabi niya sakin.

--

Chap.17

Seeyou!:**

Sino nga bang mas pipiliin mo yung taong nagsasabi sayo na mag-iingat ka o yung taong hindi mo alam kung kaya kang ingatan at hindi saktan? =)

MY INSTANT WIFE ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon