Chap.2o selfish + vits moment ❤

2K 33 5
                                    

Faith pov

Umaga palang tinatamad na kong pumasok ayoko na ngang bumangon sa higaan ko, pero TAMA BA TONG GINAGAWA KO? Oh masyado lang akong OA MAGREACT.?

"AAAAAAAHHHHHHH!! Ang gulo na!! "--babangon na ko at kailangan magsipag walang mangyayari kung iiwasan ko sila

"Try to be normal faith,"--sabi ko sa sarili ko habang sinusuot necktie ng uniform ko.

Nasira ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok

Tok**tok**

"Faith sabay ka ba?"--sabi ni fravis

"Di na sige mauna ka na"

"Iniiwasan mo ba ko" tanong pa niya ulit--ayan na naman yan! Iniiwasan ko na nga mga ganyang tanong diba?

"Kung oo yung isasagot ko,matatangap mo ba?"-ako

Hay! Ang aga aga sira na agad ang araw ko.

"Sige mauna na ko,sorry ha? Kung dahil sakin nahihirapan ka,sige kung masaya ka talaga kay allan sige lang tuloy mo"---sabi niya ng may malungkot na tono.

Bigla akong nalungkot sa mga sinabi niya "PINAPAMIGAY BA NIYA KO"--tanong ko bigla sa sarili ko pero sa kanya ko "NABILI NGA NIYA KO E diba"--sabi ko sa isip ko.

Ang selfish ko ba?bat ba iiwasan ko sila ano bang dahilan ko?

Ayoko lang masaktan at makasakit

Yun lang dahil kung di ko sila iiwasan may masasaktan at may masisira

I'm just trying to save our FRIENDSHIP.

"Tama na drama! Magfofocus na ko sa pag-aaral"--sabay pasok ng gate ng school.

**

Sa room.

Pagpasok ko umupo ako sa seat ko nilagpasan ko lang si fravis at nagsmile lang ako sa tropa.

Ngumiti si allan sakin at nagkatinginan kami,nag smile siya pero nagiwas na lang ako ng tingin.

"Hay! Feeling maganda yan nakakainis selfish ang pota"--pagpaparinig ni rika hindi ko alam kung ako yon pero tinatamaan ako sapul ako sagad yan.

"Rica, tama na yan"-saway ni racquel

Naramdaman ko yung pagtutubig ng mata ko di ko maiwasan ng di masaktan sa mga sinabi niya selfish ba talaga ko? Lalabas na sana ko ng biglang pagtayo ko hinawakan ako sa wrist ni allan.

"Saan ka pupunta? samahan na kita"-allan.

"Wag na,alls kaya ko na to"--ako.

Binitawan niya ko pero mas kinagulat ko ng sinampal ako ni rika

"Bakit"-napa bakit na lang ako sa lakas ng sampal niya.

"Manhid ka ba? O tanga ka lang"--sigaw sakin ni rika

"Ikaw,alam mo di ko alam kung anong problema mo?"-ako.

"Bobo ka ba talaga o,sadyang tanga ka lang"-rica

"Tama na yan ex,"--saway ni allan

"Hindi na kasi tama allan,pinapaasa ka niya hindi mo ba nakikita?"--sagot ni rika kay allan.

Hinila ko ni fravis palabas pero pinigilan kami ni allan.

Intense na intense na yung nangyayari shet! Agaw eksena na kami o!

"Akin yan kaya bitawan mo"--sambit ni allan.

"Brad,asawa ko to"--sagot ni fravis

Napa "ooohh" yung mga kaklase ko halatang lahat sila gulat. Kahit ako nagulat.

"Asawa mo nga? Pero pinahahalagahan mo ba"--allan.

Sasagot pa sana si fravis pero pinigilan ko

"Tama na! Allan,fravis"--inhale exhale kailangan ko ng magsalita

"Oo tama ka rica SELFISH AKO E! As in SELFISH, kasi alam mo kung bakit AYOKO KASING MAKASAKIT NG IBA AT MAKASIRA NG PAGKAKA-IBIGAN NILA. PAG BA PUMILI AKO SA TINGIN MO AAYOS LAHAT. TAO LANG AKO AT MAY PAKIRAMDAM AKO AT MAY PAKIALAM AKO SA NARARAMDAMAN NILA KASI PARA SAKIN KAIBIGAN KO NA KAYO,TSAKA BAKIT KA BA NAGAGALIT SAKIN DAHIL BA SA TINGIN MO INAAGAW KO SIYA,

HINDI KO SIYA INAGAW "TANDAAN MO YAN KASI IKAW ANG NANG-IWAN SA KANYA HINDI AKO."-ako.

Bago ko lumabas ng tuluyan lilinawin ko lang ang lahat

"Hindi ko siya pinaasa,wala akong sinabi na kapag niligawan niya ko na magiging kami sabagay sayo kasi matic yon kasi alam mo madali ka kasing makuha"-sabi ko kay rika kahit papano makaganti naman ako sa kanya.

Tumakbo ko palabas ayoko ng pumasok magma-mall ako para sumaya ko.

Kaso feeling ko may sumusunod sakin

"Faith"--sabi ni fravis

"Bakit sumunod ka pa"--sagot ko sa kanya.naiiyak naman ako anytime feeling ko bibigay ako.

Niyakap niya ko at doon na ko sa mga braso niya napaiyak.

"Fravis, selfish ba ko?"--tanong ko sa kanya.

"Hindi ano ka ba? May pinagdadaanan lang talaga si rica kanina kaya niya yun nasabi at kaya ka niya nasampal"--fravis

"Alam ko naman kung bakit mo ginawa na iwasan kami,KASI KAHIT IKAW SA SARILI MO HINDI MO ALAM KUNG SINO TALGA GUSTO MO"--dagdag pa niya.

"Ayoko lang masaktan ulit dahil gaya nga ng sabi nila kung ano ko ngayon resulta ng kung anong nangyari sa nakaraan"--ako.

"Minsan na ko nagmahal,fravis minsan na din akong nasaktan,minsan na kong nakasakit kaya masisi mo ba ko?"--saad ko pa.

"Si nathan ba"--tanong niya sakin

"Oo"--sabay punas sa mga luha ko dahil naguuna unahan sila sa pagtulo.

"Masakit na iwan ka ng hindi mo alam ang dahilan,yung tipong hindi mo akalain na ang saya saya niyo pa kahpon tas bigla na lang pag gising mo nung umaga wala na siya sa tabi mo,MINSAN NA RIN AKONG UMASA SA MGA PANGAKO,sa pangako na BABALIKAN NIYA KO AT SA PANGAKONG HINDI NIYA KO IIWAN,pero asan siya ngayon"--sabay alog ko kay fravis.

"Wag ka kasing magtiwala sa mga salita,lalo na kung walang gawa faith"--payo niya sakin ayan na naman siya!

"Bakit? Malalaman mo ba kung kailan ka may tiwala at wala ano yan? On and off switch lang ang tiwala ganon ba?"--sabi ko sabay kaming natawa.

"Mas maganda ka kapag nakatawa ka"--saad niya na nakapagpahinto sakin.

Tumayo na siya andito kasi kami sa secret garden ng school.

"Faith,tara na dali kasi mag-move on ka pa"--sabay hawak sa kamay ko at dahil don lahat ng lungkot sa dibdib ko kahit papano nabawasan.

--

Chap.20.1

So? VITS moment tong chapter na to!

Wag kayo!

MY INSTANT WIFE ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon