Chapter 38 hardest GOODBYE :(

1.6K 19 0
                                    

Chapter38

GOODBYE.

Allan's pov

Namiss niyo na ba ko? Ako din e namiss ko din ang mag POV ahahaha! Langya ka author!

Langya ka too**-author

Tagal naman lumabas ni ex grabe,namiss ko siyang makasama kahit naman hindi naging kami,ang lalim din ng pinagsamahan namin BESTFRIENDS KAMI.at sobrang namimiss ko yung BESTFRIEND KO.

hanggang sa may yumakap sa likod at alam ko siya to,siya lang naman ang gumagawa sakin nito.

"I miss you"--sabi ni ex,medyo namiss niya ko hano naramdaman ko na lang na nababasa yung damit ko ng mga luha niya.

Hinarap ko sakin yung mukha niya at umiiyak siya,pinunasan ko yung mukha niya gamit yung mga thumb ko.

"Ex tara na,joyride tayo"--hinila ko na siya bago pa siya sumagot madaldal pa naman to.

"Ex,bat di ka umiimik dyan."--ang tahimik kasi hindi ako sanay!

"Wala sinusulit ko lang yung oras na kasama kita,yung mga oras na minsan lang mangyari"--sagot niya bigla akong nakaramdam ng kakaiba feeling ko masyado ko ng nasaktan yung babaeng laging andyan kapag kailangan ko.

Pero ayokong mahalin siya dahil AWA LANG ANG MERON AKO SA KANYA AT HINDI PAGMAMAHAL.

MAS MASASAKTAN SIYA KAPAG MINAHAL KO SIYA TAPOS AWA LANG PALA!

Tahimik lang ang byahe hanggang sa dumating kami sa park.

Umupo kami sa bench,bigla na lang akong napatingin sa kanya,ang ganda niya pero bakit hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya,siya naman yung laging andyan kapag kailangan ko ng kasama.

Hanggang sa may dumaang manong na nagtitinda ng popcorn.

"Manong pabili po"--alam ko na paborito niya to.

Nakita kong ngumiti siya sabi ko na nga ba tama ako! Inabot ko sa kanya yung isa.

Habang kumakain kami ng popcorn,sa tingin ko ito na yung tamang panahon para sabihin ko sa kanya yunh tungkol samin ni migie.

"Rica"--panimula ko na may seryosong tono.

"Hmmm"--tugon niya.

"Rica,may ipagtatapat kasi ako sayo"--hindi ko magawang ituloy ayoko siyang makitang masaktan.

Nakatingin siya sakin at halatang nag aantay sa sasabihin ko.

"Rica,di naman masama kung liligawan ko si migie"--nakita ko nanlaki yung mga mata niya nagulat at bigla siyang napayuko.

"Bakit naman hindi walang masama don sana,maging masaya kayo,wag kang mag-alala bestfriend susuportahan kita"--pagkatapos non nag-aya na siya na umalis kami.

Walang imikan na naman.siguro nga hindi kami makakabalik sa dati pero sabi naman niya susuportahan niya ko.

Huminto kami sa harap ng bahay nila at bumaba na siya mula sa motor ko.tumalikod na lang siya pero bat ganito niyakap ko na lang siya at nabasa na naman ng luha niya yung damit ko.

"Sorry,rica,salamat ha? Salamat sa supporta,salamat bestfriend"--sabay non bumitaw siya sa yakap.

--

Rica's pov

Akala ko magiging masaya yung araw na to,akala ko sakin siya magtatapat,akala ko lang lahat ng yon. Mas nadurog ako ng sabihin niyang liligawan niya si MIGIE.

Lagi na lang ganyan,kapag ako ang nagmahal laging may kaagaw,nahihirapan na ko, ang tagal ko siyang hinintay,tapos wala lang lahat ng paghihintay ko.

"Ang sakit,sakit,sakit!"--napaturo na lang ako sa puso ko. "Ikaw kasi ang kulit kulit mo alam mo ng ayaw niya patuloy ka pa din,matigas kasi yang ulo mo kung sana nag-isip ka nung una at di ka nagpakamatyr dyan e di sana masaya ka na ngayon."--sabi ko sa sarili ko at napasubasob na lang ako sa kama ko.at patuloy pa din ang pag-agos ng luha ko.

"Isang bagay ang natutunan ko ngayon wag na wag mong ipipilit yung sarili mo sa ibang tao.at wag na wag mong ipagsiksikan yung sarili mo lalo na't hindi mo gusto yung naging lugar mo sa buhay niya".-rica

--

Hay! Ca'llen goodbye na talga!

Hmmmm..

Saklap diba? :)

MY INSTANT WIFE ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon