__
Taon na ang lumipas ang sayang balikan ng mga ala-ala at saka ka na lang mapaapaisip sadya ba talagang nangyari ang lahat napapangiti na lang ako at nagpapasalamat ako sa mga taong nagbigay ng kulay sa storya naming dalawa ngayon nakasuot siya ng puti ako naman gwapong gwapo sa suot kong tuxedo.
punong puno ng bulaklak ang loob ng simbahan ibat ibang kulay ng roses ang ipinilagay ko na siyang paborito niya kasabay ng paglakad niya sa aisle unti unting bumalik sa akin lahat ng ala-ala ng pinagdaanan namin dalawa na hindi naging biro para makamit namin ang mag gusto namin.
siya na ata ang pinaka magandang bride na nakilala ko at ang make up niya light lang mas lumutang pa rin ang natural niyang ganda bawat ngiti na ibinibigay niya sakin kinikilig ako na para bang bago sakin ang lahat.
Ako na ata ang pinakamasaya at pinaka swerteng lalaki sa mundo dahil mayroon akong instant wife na masasabi ko talagang instant, instant kaibigan, instant kaaway,at instant nanay.
sa pagbukas palang ng mata ko kaninang umaga halos hindi na ko mapakali na para bang gusto ko dumating na ang oras ng kasal para makita ko na ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat ang babaeng papangakuan ko ng FOREVER.
hanggang sa tinanong na ko ng pari at bago pa matapos ang tanong niya nag I DO na ko bigla hindi ko na maintay ang "KISS the BRIDE." atat na kung atat pero ganito siguro talaga kapag inlove na inlove ka sa taong alam mong inlove na inlove din sayo.
kinabahan ako ng siya na ang tinanong baka mapayan umatras to patay non ! pero naisip ko lang naman halos habulin ko ang hininga ko ng sumagot siya ng I DO .
"You may now kiss the bride." kasabay nun ang palakipakan ng mga tao malalapit samin.
"mama!! papa!! kami din po kiss." -- sabay yakap samin ng kambal namin anak na sina eightchen at micco.
dumiretso na ang lahat sa reception para sa kainan at inuman at tawanan ang saya saya ng lahat sa wakas
---