Finale (5)

1.5K 56 4
                                    

5











"Ara! Hoy! Gising na mahal na prinsesa!"

Tamad akong nagmulat ng mga mata. Kumikirot pa ang noo ko. Letse! Uminom ba ako kagabi?

"Sa wakas!" Hinagis ng babaeng gumising sa akin ang pink na tuwalya. Who is she?

"Maligo na po kayo kasi hindi ka hihintayin ng oras." Anya.

Ngumiti ako. God! Ang gaan ng feeling ko. Lumabas ako ng kuwarto at parang may isip ang mga paa kong naglakad patungo sa isang pinto. Banyo 'yon. Sinara ko ang pinto bago humarap sa salamin.

Ang ganda ko! Ang ganda ko lang!

"Ara! Dalian mo ah!" Katok at sigaw ng babae

"Oo!" Sagot ko bago nagmamadaling naligo.

Matapos kong maligo, dumeretso ako sa kuwarto para magbihis then sa kusina. Maliit at simple lang ang kusina. Naroon na ang mesa at upuan kung saan kumakain.

"Alelie, panghuli na 'yan ah. Magagalit sa akin ang kuya ni Ara."

So, Alelie ang pangalan niya! Bestfriend ko siya. Kausap nito ang isang ginang na may suot na brown na duster.

"Mama!" Ngumiti ako. Nakuha ko ang atensyon nila.

Kumunot ang noo ni mama. Tila ba may mali sa akin. Lumapit ito sa akin.

"Nakainom ka na ba ng mga gamot mo?" Tanong niya.

"Ma, I love you." I hugged her.

Kumawala si Mama sa yakap ko bago harapin si Alelie. "Alelie..." May warning sign sa boses niya.

Mabilis naman na lumapit sa akin si Alelie at umabrisete sa braso ko. "Ayaw ipaalam, ninang. Kaya nga po may raket kami ngayon para pambili ng gamot niya."

"Ay! Hindi! Hindi aalis si Ara nang ganyan ang katinuan niya." Galit si Mama kaya lumapit ako sa kanya. I pouted.

"Ma, h'wag na kayong magalit."

"Ninang naman kasi. Madali lang 'to. Kakanta lang kami. At saka doble ang bayad, Nang. Pang limang buwan na gamot na 'yon ni Ara."

Wala akong maintindihan sa sinasabi nila pero tumango tango ako at nagpuppy eyes kay Mama.

"O siya! Basta! Panghuli na 'to ah!"

Napatalon si Alelie. "Opo, Nang!"












"Ba't ako ang kakanta? Hindi naman ako singer." Tinutulak ako palabas ng backstage ni Alelie.

"So, ano'ng isusuggest mo? Lumabas ako at kumanta para masuka 'yong mga tao."

Nagtaas ako ng kilay sa pahayag niya. Puno ng tigyawat ang mukha ni Alelie, maitim din ito at bukod doon medyo chubby pa but still, she's fine.

"Ba't naman sila masusuka?"

Napasabunot ng sariling buhok si Alelie. "Aish! Dati na natin 'to ginagawa, Ara! Makiride on ka na lang para makabili tayo ng gamot at pangregalo mo sa kuya mo."

Kuya?

Binigay niya sa akin ang papel na may nakasulat na lyrics. Tila pamilyar na sa akin ang mga salitang nakasulat roon.

"Kakanta ako dito sa likod at lipsync ka naman. Gets? Mukha mo at boses ko ang puhunan natin dito."

Tumango ako bago lumabas ng backstage. Kanina ko pa naririnig ang maiingay ng boses lalaki sa labas at di nga ako nagkamali, lalaki lahat roon.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon