Finale (20)

1.3K 51 1
                                    

Dedicated sa crush ko kanina na nakasabayan ko sa jeep. (Take note! Dalawa lang kaming pasahero. Kyaah!) Nakikita ko sa kanya si LZ. Lol! Nainspired mo akong mag-update, baby! Hahaha!









"Sorry na, Lance." Halakhak ko habang nilalaro ang braso ng tahimik na demonyo.

Nasa harapan kami ng tindahan ng isaw at naghihintay na lamang maluto ang nasabing pagkain.

"Oy!" Sinundot ko ang tagiliran niya. He just cussed but never smiled.

Kumunot ang noo niya nang malanghapan ng usok na nagmumula sa tinatapang isaw. "Let's just fvcking go home!"

Ngumuso ako. "H'wag kana mainis. Hindi ka naman nabulag. Eto na nga oh, ililibre na kita ng isaw!"

Natalsikan kasi nang binuhos kong alcohol sa mukha niya ang kanyang mga mata kaya nag iinarte ang demonyo ngayon.

Nawala tuloy ang inis ko sa kanya kanina nang magwala siya sa pharmacy habang nagmumura. Imbes na matakot ako dahil nagkakalat siya, para akong baliw na humalakhak. Thank God! Dala niya ang kanyang credit card kaya nakapagbayad agad kami ng damage.

"I-Isaw? That gross thing?" Sumulyap siya sa naluto ng isaw namin. Inabot iyon ni Ateng Tindera bago ko nilapit sa labi ng demonyo.

"Hindi 'to gross. Masarap 'to! Say ah!" Inemphasize ko pa ang huling salita.

Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi ako uto-uto, Kiara. That food is gross. That's one of the leading causes of having Ascaris lumbricoides."

"W-what? A-ascaris?"

Kinuha niya ang isaw bago itapon. Tinignan ko lang ang kaawa-awang pagkain. "Yes. Bulate sa tyan."

Tinignan ko siya nang masama. "Wala akong pakialam. Ngayon na nga lang ako makakain ulit."

Kumuha ulit ako ng isaw saka sinubo.

"What the hell, Kiara! Ba't ang tigas ng ulo mo?"

Kumuha pa ako ng isaw at sinubo ulit. "Eh, bat ang arte mo? Maarte ka pa sa babae. Tapatin mo nga ako, Lance. Lalaki ka ba talaga?"

My eyes widened nang ilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. The F!

"Is that your other way of saying 'please kiss me', Kiara?"

Tinulak ko siya at humarap kay Ateng Tindera bago ito bayaran. "Hoy! Ano'ng kiss?! Nababaliw ka na!"

Naglakad ako paiwas sa kanya pero sinundan niya ako. "Kinukwesyon mo ang pagkalalaki ko kaya..." hinawakan niya ang braso ko para hilain ako patungo sa kanya at harapan siya. "Natural lang na dapat ko atang patunayan iyon sa'yo."

Nag-init ang pisngi ko pero para naman akong bato at hindi makagalaw. The F! The H!

"Sa tingin ko ay dapat umuwi na tayo at bayaran mo ako ng triple sa utang mo sa akin at lalo na ang dapat sahod ko ngayon."

Binawi ko ang braso ko at tinalikuran ko siya. Narinig ko ang halakhak niya bago sumunod sa akin at akbayan ako.

"Ano ba?! Demonyo ka talaga, Lance! Ang baboy mo! Alisin mo nga ang braso mo! Mabigat!" Tili ko.

Natatawa pa rin siya nang pumara ng taxi.

"Hoy! Ano ba?!" Tinulak ba naman ako ng demonyo papasok ng taxi! Letse talaga! Nauntog pa ang bunbunan ko. "Aray! Tangena mo, Lance!"

Pumasok siya then hinaplos haplos niya ang nauntog kong ulo. "Sorry, baby." He said while laughing. Letse talaga! Ughh!

"Pakyu ka!" Hinampas ko ang kamay niya.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon