Dedicated kay Eilleram na masipag na binasa ang UIWAB ng dalawang araw mula simula hanggang kasalukuyan. Salamat! Sana mabasa mo rin ang iba kong gawa. Mwah!
17
"WHAT THE FVCK, KIARA!" Humagikhik lang ako sa galit at mura niya. Nilagyan ko kasi ng bula ng sabon ang kanyang mukha.
I stop giggling. "It's your fault naman. Nagpapacute ka sa akin. FYI, hindi mo ako makukuha dyan sa pacute mo." Nagbehlat ako sa kanya.
"Nagpapacute? CUTE? WHAT THE FVCK! Hindi ako aso." Pinunasan niya ang bula gamit ang kanyang braso.
"OA! Hindi naman sa aso lang applicable ang cute. Puwede rin sa'yo. Chinitong cute. Uhhh! Cute devil..." Nagpuppy eyes ako na tila ba aso siyang kinagiliwan ko talaga pero napatili din nang lagyan din niya ako ng bula sa ilong ko.
"Demonyo ka talaga, LANCEEE!" Tumatawa pa ang demonyo. Letse!
"It's your fault, too. You're damn beautiful, Kiara with that expression. Are you seducing me?"
Napaawang ang labi ko bago nag init ang pisngi ko. "Ang berde ng utak mo, Lance! Ano'ng seducing?! Ipakain ko kaya 'tong mga bula sa'yo at nang malinis 'yang marumi mong pag-iisip!"
Nagpatuloy ako sa paglaba, hindi na naman siya sumagot but...
"Wooo! Underwear mo? You really love pink." Hawak na pala niya ang panty ko. Putrages!
"LANCEEE! Ibalik mo yan!" Tumayo na siya at lumayo sa akin habang hawak ang panty ko.
"What, Kia?" Ang lutong ng tawa ng demonyo! "Akin na lang 'to. Soveiner. Ipapaframe ko."
Tumayo na ako at lalapit sana pero mabilis din siyang tatakbo palayo. "Lance, isa! Ibalik mo 'yan. F you, devil! F you!"
Hinabol ko siya nang di sinasadyang maslide ako. "Aray..." Napangiwi ako sa kirot ng puwetan kong bumagsak.
"Are you okay?" Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. Hinawakan nito ang beywang ko.
"Okay? Sa tingin mo, okay ako sa lagay nito. Kasalanan mo---- Teka! LANCEEE! PUT ME DOWN!" Pinangko ako ng walangya.
"We should go to the hospital." Seryosong saad niya.
"NOOO!" Malakas kong sigaw bago nagwala.
"What the hell, Kiara! Stop moving!" Para lang akong isda na kumakalag.
"Ibaba mo ako! Okay lang ako!"
"Okay? You slipped! Nakangiwi ka. May masakit sa'yo tapos okay."
"Basta! Ayokong pumunta ng ospital! Ayoko ng madagdagan ang utang namin sa'yo. So, please fvcking put me down! Maglalaba pa ako."
Nagwala ulit ako.
"Fine! Fine! I'll put you down. Stay put." Tumigil naman ako. He walks pero imbes na sa may labahan ako ilagay niya, sa may monoblock niya ako dinala na malapit lang sa poso. Dahan-dahan niya pa akong inuupo.
"H'wag kang gagalaw dyan. I'll call my maids to do your laundry." Napaawang ang labi ko nang kunin niya sa kanyang pocket ang latest Iphone niyang cellphone. Anyong may tatawagan siya pero mabilis ko 'yong inagaw.
"Wala kang tatawagan, Lance. Kaya kong labhan ang damit ko."
Salubong na ang kilay niya. Tanda na naiinis na siya. Well, naiinis na rin ako!
"You can't." May iritasyon sa kanyang tono.
"When I say I can. I CAN!" Sigaw ko na.
"Ow.." Naiiritang ngumisi siya. "You can? In that situation?" May pang iinis sa tono ng demonyo.
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
RomanceA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥