Finale (21)

1.3K 43 1
                                    

"Ano'ng ginawa mo kay LZ, Ara?" Tanong ni Mama habang nasa hapagkainan kami.

Kanina nang makarating kami ng bahay, deretso na agad ang demonyo sa kuwarto ni Claude. He didn't even talked to me habang pauwi.

Sumimangot ako. "Mama! Wala po akong ginawa. Siya nga 'tong halos patayin ako sa inis kanina." Sumubo ako ng kanin. I don't even have the guts na tignan si Mama.

"Kilala na kita, Ara. Bisita natin si LZ kaya dapat maging mabait ka sa kanya."

Gusto kong umapila pero nang mapatingin ako sa pinto ng kuwarto ng kinaroroonan ng demonyo, I swallow my words. It's my fault. Ang bait niya sa akin kanina para ipamili ako tapos nakalimutan ko pala ang birthday niya.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. Matapos kumain, pasimple akong naghanda ng pagkain sa demonyo.

Bumaling si Mama sa akin bago napangiti.

"Ma, wala 'to. Sabi mo nga bisita natin siya." Hindi ko alam kung bakit nagtunog defensive ako. Kainis lang ha!

"Oh! Wala naman akong sinasabi, Ara."

"Eh, 'yong tingin niyo Mama. Parang makahulugan."

She chuckled. "Ikaw lang ang nagbibigay malisya, anak."

"Ma! Hindi po!" Binalik ko ang atensyon ko sa hinahandang pagkain. I placed the plate of rice and fried chicken on the tray kasama na ang malamig na tubig bago iyon ilapag sa mesa.

Naglakad ako palapit ng kuwarto ng demonyo. Plano ko sanang kumatok pero nang hawakan ko ang doorknob, it's open. Maingat ko iyong binuksan. Maliit na siwang lang na tamang tama para masilip ko siya.

Nakahiga siya sa single bed ni Claude at nakatalikod mula sa akin. Tulog ba siya?

Iniwan kong bukas ang pinto para kunin ang tray. Tinignan ko si Mama.

"Magsorry ka, Ara." Utos nito.

"Opo." Bumalik na ulit ako sa kuwarto.

"Hoy, Lance! Bumangon ka na!" Nilapag ko sa study table ni Claude ang tray bago isara ang pinto pero anyong bubuksan ko din iyon ulit dahil naisip ko na hindi magandang nasa isang kuwarto kami ni Lance nang humarap sa akin ang demonyo. Tila kagigising lang nito mula sa mahimbing na tulog.

"What?" Supladong ani niya bago bumangon.

Teka? Ba't ang guwapo at hot pa rin ng demonyo kahit bagong gising. Ugh! Kainis!

Tinuro ko ang tray. "H'wag kang magkakalat dito. Ayaw ni Claude na makalat ang kuwarto niya."

"I'm not hungry." Saad niya bago tumayo. Lumapit siya sa naroong bag at may kinuhang towel.

"Maliligo ka?"

Hindi niya ako sinagot. Lumabas lamang siya ng kuwarto at pumasok ng banyo.

"Wow ha! Talagang kenareer niya ang pagtatampo." Napatadyak ako bago lumabas dala ang tray.

Wala si mama sa labas. Baka nasa kuwarto na. Tinignan ko ang tray ng pagkain.

"Kung ayaw niyang kumain, bahala siya! Mamatay siya sa gutom! Arte!" Nilapag ko sa mesa ang tray at aalis na sana nang matigilan. Nilingon ko ulit ang mga pagkain.

"Ugh! Kaiiniiiss! Bakit kasi!" Napasabunot na ako ng buhok ko bago padabog na umupo kaharap ang mesa. Hihintayin kong matapos ang demonyo sa paliligo pero ang langya! Nalunod na ata sa tubig ng toilet bowl dahil nakatulugan ko na lang ang paghihintay.

Nagising lamang ako sa mabangong amoy. Nang magmulat ako, narealize ko na lamang na buhat pala ako ng demonyo. At ang mabangong amoy na nasisinghot ko ay mula sa kanya. WTH!

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon