Chapter Eight: "Cafeteria"

4.4K 107 10
                                    

Chapter Eight- "Nobody can touch what's mine."






"LOOK at her! Eww! She's kadiri!"

"Iw! Hindi ba yan nakakain ng pang isang taon?!"

"She's so patay gutom!"

Ugh! Yung tataa?! Wala na bang makita ang mga gagita dito sa school kundi ako. Kung di lang talaga kay Keiron, papatulan ko sila. Breathe Kia... Huwag mo silang pansinin! Mga KSP! Gagita! Bruha!

Kasalukuyan akong nasa cafeteria eating my lunch meal at ang mga hinayupak na haliparot panay ang parinig sa akin. Eh bakit ba?! Passion ko ang pagkain at mas malakas akong kumain kapag nasesermunan. Like duh?! Sa isip ko na lang sila kakatayin. Ugh! Ang demonyitong Chan, nagkaroon tuloy ako ng record sa guidance nang dahil sa kanya!

Patuloy ako sa pagkain ng mga foods na pang limang tao ata at nagtaingang kawali sa mga pagpaparinig.

"Are you a pig?" Napaangat ako ng tingin sa pinagmulan ng nakakairitang boses na 'yon. At nanliit ang mga mata ko nang matagpuan ang nakangising demonyo na animo'y hindi makapaniwalang malakas akong kumain.

Easy Kia... Hindi mo siya pwede'ng patulan. Hindi kana pwedeng magkarecord ulit sa guidance. "Mind your own business." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nag angat ako ng paningin and then I saw him, he's freakin' staring at me wearing a freakin' smile. Kaya di sinasadyang mabulunan ako. "Damn girl!" Nanlaki ang chinitong mata niya at inabot sa akin ang mineral water.

Cough! Cough! Cough!

"Pati ba naman sa pagkain, napakaengot mo pa rin." Wala kang narinig, Kia! Wala kang narinig!

"Stop talking... And staring at me." Nagpatuloy ako sa pagkain pero uneasy na ang pakiramdam ko. Tsk! Busit na demonyo! Bakit ba 'to nandito?

"Bagalan mo ang pagkain. I'm not planning to steal your foods." Hindi ako nagsalita o sumagot. Basta nagpatuloy lang ako sa pagkain. Ngunit, sa di ko inaasahang pangyayari. Lumapit sa akin ang demonyo at inilapit nito ang kamay sa mukha ko saka pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Tsk! Eating like a child." He's giving me that look of fond. Like I'm a cute doll. Heck!

"Huwag mo nga akong kausapin." Napatingin ako sa paligid. Everyone is looking on us.

"Kakausapin kita kapag gusto ko and no one can stop me even you." Inirapan ko nalang. Tinignan naman niya ang mga inorder kong pagkain. "Anyways, binayaran mo na ba 'tong lahat?" Wala sa sariling umiling ako. Masyado na kasi akong gutom dahil sa inis at frustration ko kanina kaya sinabi ko kay Manang Cafeteria kanina na mamaya na ang bayad ko.

Kumagat ako ng sandwich hotdog. "Ang bipolar mo. Kanina galit ka ngayon nang iinis ka na naman! Tsk!"

Nagkibit balikat lang ang demonyo at iniwan ako . Walang manners! Tsk!

Akala ko aalis na siya but the devil went to cashier at naglabas ng GOLD credit card. Kinuha niya rin 'yon saka bumalik sa akin. Kumunot ang noo ko at nagtaas ng isang kilay . Anong binili niya? Wala naman kasi siyang hawak na pagkain or something na nabili m. Uhh ! Nagbayad siguro ng utang pero what the-- naman! Imposible namang magkautang siya. "Anong binili mo?" Curious na tanong ko.

"Wala. Binayaran ko lang ang kinain mo." He's smiling widely as if normal lang ang ginawa niyang pagbabayad ng mga kinain ko.

"What the HECK! Bakit ikaw ang nagbayad?! Hoy! FYI! May pambayad ako!" Fine! Medyo nalimutan ko ng hari ng paaralang 'to ang sinisigawan ko.

"Stop cussing, Kia. Hindi maganda sa babae ang nagmumura." He said na nakakunot ang noo bago iniabot sa akin ang isang hamburger na hindi pa nabubuksan. Pahiklas kong inagaw ang hamburger sa kanya. Nakakastress!

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon