Finale (16)

1.8K 65 5
                                    

Dedicated kay BehindThisHappyMask na isang silent reader pero nagbahagi ng kanyang komento! Thank you for reading. Hope magcocomment kana sa bawat chapter. Charr!

16








"Maaa!" Nagising sina Mama at Claude sa sigaw ko and ofcourse sa mura ng katabi ko. Si Mama Donna ang nagbukas ng ilaw kaya agad akong lumayo kay Lance. Napahilot naman ng sentido ang demonyo! Di man lang nahiyang ibabad ang katawan niya. Letse siya!

Argh! Shet lang talaga ha! Sinusubukan kong iwasan siya. I need to push him away from me as far as I can kaya di puwedeng nandito siya!

Lumapit ako kay Claude na humikab pa at nagpupungas ng mga mata. Hindi ko na makita sa kanya 'yong Claude na galit agad pag nakita si Lance. Ano bang pinag-usapan nila nina Lance? Ginayuma ba sila?! Argh! Gayuma na naman! Letse! Hindi nga 'yon totoo.

"Sakit sa tenga ng sigaw mo, Shannel? Alas tres pa ng madaling araw, mabubulahaw mo ang kapitbahay natin."

Mas nagsalubong ang mga kilay ko.

Hinampas ni Mama si Claude bago haplusin ang likod ko. "Anak, may masakit ba sa'yo?"

Tinuro ko si Lance. "Ma, oh! Ano'ng ginagawa ng demonyang 'yan dito?" Parang bata lang ako na nag tatantrums o parang bata na nagtatanong kung bakit naroon ang nakaaway kong kalaro.

"Magbibihis lang ako." Walang anuman na naglakad si Lance patungong kuwarto ni Claude.

"Hoy!" Susundan ko sana siya nang hilahin ako ni Claude. "Saan ka naman pupunta? Susundan mo?" Claude's grinning.

Ako naman ang humampas sa kanya. "Bakit pumasok 'yon sa kuwarto mo? He really slept here?" Tumingin ako kay Mama. "Ma, explain. Enlighten me please"

Nagpakawala ng buntong hininga si Mama. "Anak, si LZ ang nagbayad ng pinang ospital mo. Hiningi niyang pambayad ang pagstay dito sa bahay natin."

Nalaglag ang panga ko habang nanlalaki ang mga mata. "Napakawalanghiya ng demonyo!" Susugurin ko na naman sana siya ng kuwarto nang sa pangalawang pagkakataon ay pigil ako ni Claude.

"Calm your nerves, Shannel. Pag pinaalis mo ang Chan na 'yan dito. Wala tayong pambayad."

Mas umawang ang labi ko. "Bayaran mo, Claude. Mayaman ka kaya."

Pinitik niya ang noo ko. "Saan mo naman ako pakukuhain ng kalahating milyon? Hoy, Shannel. Nag-aaral pa 'tong kapatid mo. Baka nakakalimutan mo."

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari!

Napatadyak na ako. Gusto ko na lang maglupasay. "Nakakainis kayo!" Tinalikuran ko sila at pumanhik ng kuwarto ko.

Nang makapasok ako ng kuwarto, lumapit ako sa side ng kuwarto ko na siyang nagsisilbing divider ng kuwarto namin ni Claude. Sinipa ko 'yon!

"Hoy, Lance! Pagsikat ng araw, make sure wala ka na paggising ko. Letse ka!" Hindi ko napigilang sigaw. Hinintay ko siyang sumagot dahil alam kong narinig niya ako pero wala. Umupo ako sa gilid ng kama at napacrossed arm. Matalim kong tinignan ulit ang divider.

"Argh! Letse talaga!" Padabog akong humiga at kinuha ang kumot. I closed my eyes pero mapapadilat din. I CAN'T SLEEP! LETSE!

Bumangon ulit ako at tinignan ang divider.

Nasa kabila lang si Lance...

Napahawak ako sa parteng dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko!

"Shet ka, Kiara!"

Umiling ako bago sabunutan ang sarili. "Nababaliw kana, Kiara!" Napatili ako.

"Ara, anak..." Kumatok si Mama.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon