Finale (14)

1.6K 69 5
                                    

14







"Araaa!" Parang binibiyak ang ulo ko nang magising sa boses ni Mama Donna. "Anak, Ara.. Tanghali na. Hindi ka pa kumakain."

Ngumiti ako sa kabila ng kirot ng aking ulo. "Good morning, Ma." I hug her. I just felt that I need to.

"Ma, I love you po." Hinawakan ni Mama ang mga balikat ko bago ako harapin.

"Ara, huminto ka na naman ba sa pag-inom ng gamot mo?"

I get up bago harapin ang salamin at magsuklay. "Ma, ano'ng gamot? Okay ako. Hindi ko kailangan ng vitamins. Malakas pa 'tong anak niyo sa kalabaw." Naglakad ako palabas ng kuwarto para pumasok ng banyo. Nagtoothbrush lang ako at naghilamos.

"Isa kang dyosa, Ara!" I give myself a kiss through a mirror bago lumabas.

"Ma, si Gian?" Umupo na ako sa mesa at sumandok ng kanin.

Mula sa loob ng kuwarto, lumabas si Mama. May hawak itong mga plastic bottles. "KIARA." She's mad. "Ilang buwan ka ng hindi umiinom ng mga gamot mo?"

I stood. Kinuha ko mula sa kanya ang mga gamot. "Para saan 'to, Ma? Saka nasaan po si Gian?"

Napahawak si mama ng noo bago naglakad palapit ng mesa para uminom ng tubig. "Diyos ko! Lagot na naman ako sa kuya mo."

"Si Kuya? May kuya ako? Si Gian pala?"

Mas lalong nag-alala ang mukha ni Mama. "Wala tayong Gian, Ara. At oo, may kuya ka. Pauwi na 'yon. Kumain kana at baka isugod ka naman ng kuya mo sa ospital."

Nakangiti lang akong tumango at babalik na sana sa hapag nang may kumatok sa pinto. Malakas at tila nagmamadali ang katok. Ako na sana ang magbubukas nang unahan na ako ni Mama.

"Kumain ka na. Ako na ang magbubukas."

Naiwan ako roon pero maya-maya lang narinig ko ang tila tumataas na boses ni Mama. Napatayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya.

"I want to see her." Ang pamilyar na boses na iyon. Saan ko nga ba narinig? Si Gian ba 'yon? Pero sabi ni Mama, walang Gian so baka ang kuya ko.

Sumalubong sa akin ang lalaking nakagray tshirt at casual pants na kaharap ni Mama.

"Please, Mister. Hindi maganda ang kalagayan ng anak ko ngayon. Isang buwan siyang walang ginawa kundi ang umiyak at isa pang buwan na parang robot. Hayaan mo na si Ara. Hindi na siya mangugulo sa'yo." May pagmamakaawa sa boses ni Mama.

Natagpuan ako ng mga mata nung lalaki. He's drop dead gorgeous. Hindi ko alam kung paano siya dapat ilarawan pero siya 'yong klase ng lalaki na kahit titigan mo ng magdamag, ay hindi ka magsasawa.

"K-Kiara..." Nanlambot ang kanyang ekspresyon. Anyong papasok siya ngunit pinigilan ni Mama.

"Ma, sino po siya?" tanong ko.

Nalaglag ang mga balikat nito sa tanong ko. May nasabi ba akong hindi maganda?

"Kumain ka na, anak. Ang Mama Donna na ang bahala rito."

Napatango tango ako. Binigyan ko ng huling tingin ang lalaki bago bumalik sa hapag.

"Kiara! Let's talk." Narinig kong sigaw niya. I stop eating.

Nag eecho 'yong boses niya sa ulo ko. Napahawak ako sa kumikirot kong ulo. "Ma!" I shouted. Nahulog ang hawak kong mga kubyertos.

Nagdidilim ang paligid ko at bago ako mawalan ng ulirat, I saw that guy.

Nang magmulat ako ng mga mata, mukha agad ni Lance ang natagpuan ko. Ano'ng ginagawa niya dito? At ano'ng nangyari?

"K-Kiara.. Thank God, you're awake." He kissed my hand. Ramdam ko ang pagsayad ng kanyang malambot na labi sa aking kamay.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon