Chapter Nine: "Quiz"

4.2K 109 3
                                    

Chapter Nine-"You can hate me for as long as you want but you can never get rid me out of your life, Kiara. You. Are. Mine."









"UGH! Kasalanan mo 'to, Lance eh! Ano ngayon ang isasagot ko sa quiz?! Sabihin mo nga! Arghh!" Naiiyak na reklamo ko sa relax na relax na demonyo na nasa tabi ko. Paano naman kasi may surprise quiz ang professor na hindi namin pinasukan kahapon. At wala akong ni idea kung anong ilalabas. Shet! Ubos na ata ang swerte ko! I'm dead!

Napasubsob ako sa desk ko pero nag angat din ng ulo nang magsalita ang guro. Napatingin sa akin ang professor at ang desperadang ako naman, nagpuppy eyes.

"Ano'ng problema, Mullein? Constipated ka ba?!" Nakataas ang kilay na tanong ng professor. Naghagikhikan naman ang mga classmates ko. Napanguso ako.

"Hindi po." Nagdadabog nalang akong kumuha ng ballpen. Binigyan ko ng masamang tingin si Lance.

"Pag ako bumagsak Lance, I swear ipamimigay ko ang mga pira-pirasong katawan mo sa mga haliparot dito!" Pabulong na asik ko sa demonyo. Matalim ang tingin ko sa kanya. He just chuckled. Busit!

He winked at me. Yuck! "Pag pumasa ka sa quiz na 'to sabay tayong maglulunch bukas." Pinandilatan ko lang siya at nagconcentrate sa paper ko nang magsimula ng i-distribute ang question sheets.

Nagsimula na akong magbasa ng mga questions at hindi pa ako natatapos sa pagbabasa ng unang tanong, pinagpapawisan na ako.

Ugh! I'm dead! I'm dead! Wala na. Tapos na ako.

Panay ang galaw ko. Umabot pa sa puntong gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Waaah! Ngayon na nga lang ako magseseryoso sa pagsagot, babagsak pa ata!

Napatingin ako sa gawi ni Lance. Seryoso ang demonyo sa pagsagot pero kitang kita na pachill-chill lang siya. Ugh! Bakit ang dali sa kanya ang sumagot samantalang magkasama kaming hindi umaattend ng klase. Why so unfair?!

Kumunot ang noo ko nang mapansing dalawang answer sheets ang sinasagutan niya.

"Mullein!" Nagulat ako sigaw ng Professor at automatic na nagfocus sa answer sheet ko. "Last warning for you!" Talak na naman ng professor sa akin. Naligo na naman ako ng kahihiyan! Again, why me?!

Tik... Tok... Tik... Tok...

Ugh! Sinuyud ko na ata lahat ng parte ng utak ko. Wala talaga akong mahanap na sagot. Identification at multiple choice ang quiz kaya wala akong choice kundi mag minnie mannie moo sa multiple choice. Sana naman maka-chamba ako! Plith!

"Last five minutes." Nanlaki ang mga mata ko . Waaahh! Wala pa akong sagot sa identification! I bit my lower lip.

I'm cramming! Waah! Okay. Relax Kia. Chill. Bawi ka na lang sa susunod na quiz but what the H! Hindi puwede!

"Pass your papers. Finish or unfinish." Utos ng guro. Napabuntong hininga ako. Okay! Kapalaran mo ang bumagsak sa quiz, Kia. Accept it!

I stood at ipapasa ko na sana ang answer sheets ko nang hablutin 'yon ni Lance and... Akgdskelgfriifjk! He crampled it!

"WHAT THE FVCK!" Di ko na napigilan ang pagmumura. Thank God, pabulong lang. Maglulupasay na sana ako sa sahig nang inabot nito ang walang pangalang answer sheets pero may mga sagot na.

"Write your name." He said then lumapit na sa guro para ipasa ang papel niya.

Huh? Hanudaw m?! Sinagutan niya ako? Tinignan ko ang papel na binigay niya.

"Mullein!" Napatalon na naman ako sa sigaw ng professor. "I said pass your paper!" Sa sigaw pa lang nito bumalik ang kaluluwa ko at tarantang sinulat ang pangalan ko sa answer sheets saka mabilis na pinasa ito.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon