1
Matapos magpropose ng demonyo, kinabukasan pa lang pumunta na kami sa sikat na wedding coordinator. Halos isang linggo ang ginugol namin sa pagp-plano. Siyempre, ayoko ng simple. Tama na 'yong hindi natupad ang dream proposal ko.
"Why can't we just fvcking married? Maghihintay pa ako ng isang taon?! Fvck!" Reklamo niya habang tinitignan ang mga final plans and designs for our wedding.
Sinapak ko na. "Hoy! Once lang mangyayari sa akin ang kasal. H'wag ka nga!"
"Tsk! What about the honeymoon? Maghihintay din ba ako ng isang taon doon?"
Namula ako nang maisip ang tinutukoy niya. "Hoy, Lance!" Sandali akong napasulyap kay Miss Thessa, ang wedding coordinator namin at sa iba pang naroon na katulong ng babae bago sa kanya ulit. "Ang baboy mo talaga. Tahiin ko kaya 'yang bastos mong bibig!" Halos ibulong ko na 'yon.
"What? I'm just asking. Hanggang ngayon ba naman, Kiara. Tss! Gagawin din natin 'yon sooner or later." He grinned
Buwisit!
Nagset din ng araw kung kailan ako pinakilala ni Lance sa parents niya. Kinailangan pa ngang lumipad kami papuntang Hongkong para mameet ang parents niya. "Ma, Dad. This is Kiara Shannel, my fiancee. Baby, my parents."
Lumapit ako sa ginang at nakipagbeso rito. Halos di na nga ako makahinga sa kaba dahil baka tulad ng Granny ni Lance, di din nila ako tanggap.
Nagtaas ng kilay ang ginang bago ngumiti. Mala porselana ang kutis nito. God! She's a Goddess. Hindi ako makapaniwalang siya ang nagluwal sa demonyo. Para lang siyang ate ni Lance.
"Please, take good care of our son, Iha." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. It's sincere. Ramdam ko.
Humarap ako sa tatay naman ng demonyo. Nakakaintimidate ang presensya ng kanyang ama. Ramdam ko ang pagiging ruthless business tycoon nito.
"Sir.. Nice to meet you po." Nagpilit akong ngumiti.
Tumango ang ginoong. "Welcome to our family, Kiara."
Ngumiti ako. God! Akala ko talaga. Di ko na napigilan ang mapaiyak. Kaagad naman akong nilapitan ni Lance.
"Oh my God. Are you okay, Iha?"
Tumango ako kahit na basa na ng luha ko ang aking pisngi. Damn me! Nakakahiya talaga!
"May masakit ba sa'yo? Where?" At ang OA na demonyo! Tsk! He checked my face and my body. Hinampas ko na siya.
"H'wag ka nga, Lance! I'm just happy that they accept me."
Lumapit ang ginang sa akin at mahinhing tumawa. She wiped my tears gamit ang puti at mabango niyang panyo. "Ofcourse, sweetie."
"Tsk! Such a crybaby. You know I hate seeing you cry." Siya na mismo ngayon ang nagpunas ng pisngi ko gamit ang kanyang malambot na kamay. "Wala naman silang magagawa. Whether they like you or not, tayo pa rin."
Niyakap niya ako patungo sa kanyang dibdib.
Hindi din naman nagtagal ang parents ni Lance sa Hongkong. Nagdinner lang kami then kinailangan ng lumipad ng Dad niya sa London at ang mama niya sa New York. Hindi ko maiwasang malula at maawa. Malula sa yaman nila at maawa kay Lance kasi alam ko 'yong feeling na wala palagi ang parents.
"Okay lang ba na maging plain housewife na lang ako?" Tumigil siya sa pagsubo ng kinakain naming almusal. At mamaya na rin ang flight namin pabalik ng Philippines.
Namula ako. Nagbaba ako ng tingin. Face to face kami ng kinakain kong special breakfast ng five star hotel na pag-mamay- ari ng Chan's Group.
"Naisip ko lang mula ng mameet ko ang parents mo. Nang malaman ko kung gaano sila kabusy. Since last night... Aayusin ko ng mabuti ang pamamahala ng kompanya ni Papa but... I intend na ibigay ang posisyon ko sa pinsan ko pag kasal na tayo. She's the Vice President."
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
عاطفيةA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥