Finale (18)

1.3K 55 5
                                    

Dedicated sa nakamiss ng bongga kay Kiara at Lance!

18

Nagbalik ang kaluluwa ko nang biglang magpreno ang jeep kaya ang resulta, pabigla akong napayakap sa demonyo. WT!

Bago pa ako makapagmura, naunahan na niya ako. Yakap niya pa rin ako nang balingan niya ang driver.

"Do you know how to properly drive, you fvcking bastard?!" Sigaw niya. "You almost killed us!"

Kumalas ako sa kanya at tinakpan ang bibig niya. "Lance!"

"Sorry, ser.." Mababa ang tonong paumanhin nung driver. Nakatingin na sa amin ang ibang mga pasahero.

Nagpatuloy na si manong sa pagddrive at binalik ko naman ang atensyon ko kay Lance. Pinakawalan ko ang bibig niya.

"You, devil! Napaka attention gainer mo talaga! Natural lang sa mga jeep ang biglang pagpreno! Tsk!" Sermon ko sa kanya.

Suplado niya akong inirapan. Wow ha! Nag-iwas na lang ako ng tingin nang tumigil na naman ang jeep pero sa pagkakataong iyon ay tila ingat na ingat na.

Maraming sumakay na pasahero at panghuling sumakay ang lalaking teenager na naka uniform pa. Malapit ako sa entrance ng jeep kaya para hindi mahirapan ang lalaki sa pagpasok, umisog na ako since medyo siksikan na at mahirap ng makapasok.

"What do you think you are doing?" Sinulyapan ko si Lance na nasa kabilang side ko. Sasagutin ko sana siya nang umapila na siya dahil sa pag upo ng lalaking pasahero sa tabi ko.

"Hey! You are not sitting beside my girlfriend!" Hell! Hindi ako na inform na makapal pala ang libag ng demonyo! Malakas ko siyang siniko na sinagot niya ng mura.

"Sige na. Maupo kana." Parang atubili at takot na umupo ang teenager pero sa huli bumaba naman ito.

"Teka-Oy!" Anyong tatawagin ko ang bata pero tuluyan na itong sumakay ng kasunod na jeep.

Napatingin ako sa driver na napakamot ng ulo.

"Sorry, Manong. Don't worry po, magbabayad ng triple ang kasama ko."

Sumulyap ako sa demonyo. Binigyan ko siya ng I-Will-Kill-You Look. "Bigyan mo ako ng isangdaan bago kita ihulog!"

Nilabas niya ang wallet bago iabot sa akin ang credit card niya.

"Nakadrugs ka ba, Lance?! Sa tingin mo may pangswipe machine si manong para dito sa credit card mo." Tinaas ko pa ang hawak na credit card niya.

"This is my first time riding a public transportation, Kiara." May iritasyon na rin sa boses niya.

Naagaw ang pansin ko nang humagikhik ang ginang sa harapan namin.

"Naalala mo, mahal. Ganyan din tayo mag-away nung kabataan natin. Nag-aaway sa maliit na bagay." Segunda ng lalaki sa tabi nito.

"Oo nga, mahal. Ang cute pala natin mag-away." Sagot ng ginang.

Namula ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa pamamagitan ng pagbalik ng pinagmamalaking credit card ni Lance rito bago tumahimik.

Maya-maya lang dumaan na kami sa public market kaya bumaba na kami roon. Ako na ang nagbayad ng triple naming pamasahe ng demonyo since wala siyang cash.

Busangot ang mukha na hinarap ko na siya. Naabutan ko siyang inaamoy ang sarili.

"Pinaghalong amoy ng usok at ng katabi ko kanina ang amoy ko, Kiara. Damn it! I will never ride public transportation again." Reklamo niya.

Nilapitan ko siya para amuyin. Humalakhak ako. He's right. Nangangamoy nga ang suot niya pero lamang 'yong amoy kepet na dumikit. WT!

"Shet! Almighty Lance Zedrick F. Chan, nangangamoy tae!" Dinuro ko pa siya.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon