2
"They are my deepest secret, Kiara. My family's, too."
Kumunot ang noo ko sa pahayag niya. Narito na kami ngayon sa loob ng kanyang opisina. Nakatayo siya sa all glass wall ng kanyang opisina kung saan tanaw ang naglalaking mga establishment, mga kotse at mga taong abala.
"Fiancee mo ako, Lance! Dapat sinabi mo ang tungkol sa kanila!" Inis kong saad sa kanya. "Isang taon mula ngayon magiging isa na tayo. Ano? Plano mo bang itago ang tungkol dito?"
Lumingon siya sa akin. Wala siyang sagot na binigay.
"You know what. Hindi na kita maintindihan. Kapatid mo sila. Bakit mo kailangan itago 'yon sa akin?"
Umupo siya sa kanyang swivel chair at hinarap ang mga papeles. "You don't have to know, Kiara. Let's just talk when you are not emotionally distracted."
Nag uulap ang mga mata ko. Ano bang itinatago ni Lance?
"Talaga palang wala kang tiwala sa akin. Mula noon hanggang ngayon. Tama ka nga, mag usap nalang tayo kapag ready ka ng sabihin sa akin 'yang tangenang sekreto mo!" Inis at mabilis akong lumabas ng opisina niya. Pabagsak ko pang sinarado ang pinto. ARGH! Mabingi ka sanang demonyo ka!
Nagpunta agad ako sa Nycto Club kung saan madalas uminom sina Lance. Mahal dito pero bahala na! Sarap iwaldas ang pera ng demonyo! Grr! Hawak ko kasi ang tatlo sa credit cards niya. Siya mismo ang nagbigay nun sa akin at sa kauna unahang pagkakataon, wawaldasin ko ang pera niya. Hah! Gusto kong waldasin ang pera niya na tila sa paraang 'yon makakaganti ako.
"Shannel... What are you doing here?" Lumingon ako sa pamilyar na boses na 'yon.
"C-Claude..." May mga kasama siyang mga lalaking nakabusiness suit. Oh my God! Not tonight,
Claude!Bumalik ang tingin ko sa bartender bago nilahad ang credit card ng demonyo. "Where's your fiancee?"
Hindi ako sumusulyap kay Claude sa takot na malaman niyang umiyak ako. "Busy." Binalik na ulit ng lalaki ang card kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa high chair. "Sige, Claude. Una na ako."
Hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang matutumba ako, buti na lang maagap akong nasalo ni Claude. "You're drunk, Shannel."
Umiling ako at ngumiti sa kanya. "I'm not. Nakaisang baso lang ako."
"And you don't drink liquor. Ngayon lang. C'mon. Ihahatid na kita."
Umiling ako. "Please, Claude. Ayoko ng magkagulo pa. Ayokong makita tayo ni Lance at saktan ka na naman niya."
"At okay lang na saktan ka niya?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Wala kang alam sa amin, Claude kaya h'wag kang magsasalita na parang alam na alam mo ang nararamdaman ko." Tinalikuran ko siya. Naiinis ako sa kanya.
Sumakay ako ng kotse kong bagong bili ng demonyo. Gusto ko tuloy ibangga ang tangenang kotse! The F!
Nagdaan ang mga araw pero wala akong natanggap na text at tawag mula sa demonyo. At talaga namang, tinitikis niya ako ah! Gabi gabi na nga ako halos umiiyak pero ni hindi niya ako kinontak! Ngayon pang malapit na ang kasal namin. Leche! Di kaya nauntog na ang demonyo at nagbago na ang isip niya?
Napabangon ako ng kama nang makita ang pangalan niya sa LCD ng phone ko. He texted me.
"I'll be late later but I'll try my best to come."
Halos wasakin ko na ang cellphone dahil sa text niya. Nireply-an ko naman siya.
"HUWAG KA NG PUMUNTA. HINDI KITA KAILANGAN. KAYA KONG PLANUHIN ANG SARILI KONG KASAL!" Talagang capslock para intense!
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
RomansaA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥