9
"What happen to you and the Lus?"
Natigilan si Lance sa anyong pag upo sa kanyang swivel chair ngunit nagpatuloy rin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang private office.
Walang nagbago sa kanyang opisina bukod sa dalawang painting na naroon. Ang isang painting ay larawan ko kung saan gilid lamang ng aking mukha ang nakikita habang umiinom ng kape. That day was the first time I treated him sa isang ordinaryong kapehan. The second painting naman ay isang babae na tila nawawala sa bar. Patay sindi at maraming kabataang nasa paligid ang nakapaligid sa kanya. She looks innocent. Then, I remembered that was the day we first met.
"Inutusan ka ba ni Claude para magresearch tungkol sa akin?"
Dahan-dahan akong lumapit. "P-please... L-Lance... J-Just answer me... A-Anong nangyari sa inyo ni Amethyst? Bakit... Bakit hindi kayo kinasal?" Tumulo ulit ang mga luha ko.
Katahimikan ang namayani sa pagitan namin.
Nawala ang pangungunot ng kanyang noo bago ngumisi. "You're really something, Miss Dela Cuenca." He sighed "Fine. If this will help you a lot and your bastard brother. There's nothing between me and Amethyst. She's just a bitch I loathe so much." May galit sa mga mata niya.
"Ikaw ba ang dahilan ng pagkabankcrupt nila? Ng paghirap niya?"
"Yes." Walang gatol niyang sagot.
"W-why? You need her wealth. You need her."
Tumawa siya. "Sa akin siya may kailangan, Miss Dela Cuenca. She needs my name. My wealth." Tumigil siya bago tumingin sa mga picture frames namin na magkasama na mismong ako ang naglagay roon. "I will never need someone like her or her wealth. Almight Lance Zedrick F. Chan doesn't need anyone. But not until this girl came. This fvckin stupid girl who has the most innocent eyes and genuine smile but a bad mouth."
Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghagulgol. "But unfortunately, she's gone." Lumingon ulit siya sa akin. Sakto naman ang pagpahid ko ng mga luha. Halos manakit na ang lalamunan ko sa pagpigil ng iyak.
"And everyone who are responsible for her lost must pay."
Nawalan ako ng lakas. Regrets. Iyon lang ang nararamdaman ko nang mga oras na ito. Napaluhod ako at nag-iiyak.
"Hey! What the hell is your problem?" Nasa harapan ko na siya. Nakababa ang isang tuhod niya habang nakapahinga naman ang kanyang braso sa isa niyang tuhod na nakasquat lang.
Nanlalabo pa rin ang mga mata ko dahil sa patuloy na pagtulo ng aking mga luha. "L-Lance..."
His chinky eyes widened bago galit na napatayo. "Stop calling me using my first name, Miss Dela Cuenca!"
Dahan-dahan akong napatayo. Nakatingin lamang sa kanya. "Lance..." Tawag ko ulit sa kanya. God! My stupid evil Lance.
"Fvck! GET OUT!" Sigaw niya ulit.
Nilapitan ko siya. I hugged him. "P-please, Lance... Listen to me." I tried to be strong para h'wag humagulgol but I failed.
Malakas niya akong tinulak dahilan para malugmok ako sa carpet na sahig ng opisina. Naglakad siya palapit sa mesa at kinuha ang telepono roon. "Miss Leigh, ask for a security to come inside. I need them NOW!"
Tumayo ako. "Lance, Kiara didn't died. Hindi siya namatay sa aksidente!"
Pumasok ang limang securities at agad akong hinawakan. Nagwala ako. "Pakawalan niyo ako!" Sinulyapan ko siya.
"What do you mean?" Mahina niyang pagkakasaad. Natigil rin ang mga guards sa pagbitbit sana sa akin palabas.
Puno na ng mga luha ang aking pisngi. Nilunok ko ang iyak ko para magsalita. "Ako! Ako si Kiara, Lance. H-hindi ako namatay sa aksidente!" Napaiyak ulit ako.
Inaasahan kong uutusan niya ang mga guards na pakawalan ako and he'll hug me but no. Nanatili lang siya sa kanyang kinaroroonan bago walang buhay na tumawa. He even clapped then stopped. Lumapit siya sa akin.
Tinignan ko ang mga mata niya at wala akong ibang makita roon kundi galit. Pinisil niya ang mukha ko. "THIS WILL BE THE LAST TIME MISS DELA CUENCA NA PALALAGPASIN KO ANG PANGGAGAMIT NIYO NG KAPATID MO SA FIANCEE KO."
Pinagpag ko ang kamay niya sa aking mukha. "WHAT THE HELL, LANCE! AKO 'TO. NASUNOG ANG MUKHA KO DAHILAN PARA MAGBAGO ANG ITSURA KO."
"Then, bakit ngayon ka lang lumantad?!" Sigaw niya na tila nauubusan na ng pasensya. "ITS BECAUSE FONTEMAYORS ARE IN PANIC." Huminahon ang ekspresyon niya bago ngumisi ulit. "Alam nilang malapit ko na silang ibagsak at alam nila kung saan ako dapat tirahin."
"LANCE, PLEASE!" I'm desperate! "Wala akong alam sa kung ano'ng meron kayo ng mga Fontemayor. You can ask me everything na magpapatunay na ako si Kiara."
"Then, show your heart shape birthmark!" Nagitla ako sa pahayag niya.
Nagyuko ako bago nag angat din ng tingin sa kanya. Gusto ko na lang maupo at umiyak. Magwala. Naiiyak na naman ako. "L-Lance, nasunog na ang birthmark ko."
Tumawa siya pero hindi 'yong tawang masaya. Unti-unti siyang tumigil sa pagtawa. Ngumisi siya pero wala roon 'yong ngisi na dati kong nakikita sa kanya dati. May nilabas siyang kung ano mula sa kanyang pantalon. Mula sa kanyang wallet, naglabas siya ng makapal na lilibuhing pera bago itapon sa akin.
"There! I hope that will be enough para sa iniisip mong pagligtas sa akin at kung kulang pa, just talk to my secretary. I don't want to see your face ever again!"
Tumulo ang panibagong luha ko. Tinignan ko ang perang tinapon niya sa akin. "Hindi ko kailangan 'yan." I earned my strength again. "You'll see, Lance. Patutunayan ko na ako si Kiara."
Hiniklas ko ang mga braso ko sa pagkakahawak ng mga guards bago tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
RomanceA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥