Chapter Eleven: "Nutrition Month"

4.3K 109 8
                                    

Chapter Eleven-"Tumigil kang demonyo ka! Tsk! Alam mo, 'yang kalandian mo parang epilepsy, umaatake bigla-bigla!"








"RED Ezekiel Torralba, ang pinakacool sa Chix Hunters. Puwede mo akong tawaging Kiel since ikaw ang baby bunny ng CH." Nakangising bati sa akin ng isang kagrupo namin sa 'Selling Contest' para sa Nutrition Month Celebration ng Fair Haven Academy. Isa rin siya sa myembro ng Chix Hunters so therefore kaibigan ni Lance. 

Nginuso niya ang sugat ko sa labi. "Mukhang magkakasundo tayo. Mahilig ka rin sa gulo." Umangat ang isang kilay ko. Babaklasin ko na sana ang pagkakaakbay niya nang may mauna ng gumawa nun.

"Wooh! Easy, dude!" Nagtaas siya ng kamay. Humahalakhak pa ang gagito! "Hindi ko papatusin si baby bunny." Ugh! Walangya talaga! Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko kapag naririnig ang "baby bunny". This is devil's fault!

"Call her baby bunny again and I'll fucking rip your balls, Ezekiel." Mahinahon pero may pagbabantang saad ng demonyo. Ang OA lang!

Si Ezekiel ay hindi schoolmate ko though taga Fair Haven siya dati kaya lang he was kicked out from the school. At hindi ko alam kung likas lang ba talagang pasaway 'tong Lance at siya ang pinili bilang huling kagrupo namin kahit maliwanag ang instruction na classmates lang namin ang puwedeng kagroup. Well, wala namang magagawa ang mga professors. Batas ng academy ang salita niya. Lucky bastard!

Tumawa ulit si Kiel. Lance told me he's the trouble maker of the group kaya wag daw ako masyadong magdidikit rito.

"Nosebleed! Tangna! Huwag mo akong inglishin, dude. Nasa Pilipinas tayo." Masayang masaya ang tawa niya samantalang seryoso lang ang demonyo. "Hindi ko alam na masaya 'to sa inaasahan ko." He's teasing the devil. Ni hindi man lang siya natakot. Napailing na lang ako.

"Shut the fvck up, buster!" Bumaling si Lance sa gawi ko. Pinandilatan ko lang siya at nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga prutas at gulay na ititinda namin.

Hindi magkamayaw ang lahat ng mga estudyante sa pagde'design at pag aayos ng kani-kanilang mga booth. Tulad nga ng sinabi ng professor, bukas ang Fair Haven sa mga mamimili mula sa labas. At hindi pa man nagbubukas ang gate ng nasabing school, maraming mamimili na ang nag-aabang sa gate at karamihan roon ay mga nanay o mga bagets.

Napatingin ako sa booth nina Keiron. Kasama niya sina Rhap at Kaezar. Nakikipag landiin si Kaezar sa mga babae habang nakatayo lamang sa isang sulok si Rhap at masusing pinag-aaralan ni Keiron ang mga prutas at gulay kung bulok o hindi.

"Stop staring at him. He might die." Umangat ang kilay ko sa boses na 'yon ng demonyo. Tsk! Panira ng moment!

"Excuse me lang. Walang lason ang tingin ko. Tsupi nga! Panira!" Tsinek ko ulit ang desinyo ng booth namin. Si Lance mismo ang pumili ng theme ng booth  which is 'Hawaiian' kaya heto nga naka-off shoulder dress na kulay green ako at mini skirt tulad ng mga nasa hawaii. Nakaheadband din ako ng bulaklak. Samantalang nakahawaiian polo at pants sila ni Kiel. Maayos na ring nakalatag lahat ng mga panindang prutas at gulay namin. We're ready!

"Stupid. Dense." 'Yon lang ang narinig ko mula sa kanya and he's cussing. Napatingin ako sa kanya but he walked out. Anyare dun? Duh! Moody! Kainis!

"Gusto mo si Thor?" Binalingan ko ang isa pang gagito na kasalukuyang kinakagatan ang apple na benta namin.

Imbes na sagutin siya, tinuro ko ang mansanas na hawak at kagat na niya. "Bayaran mo yan!" At ang gagito, tumawa lang.

"Sungit!"









"Ugh! Nasaan na ba kasi ang demonyo!" Madalang pa sa patak ng ihi ang bumibili sam amin. Samantalang ang gagitong Kiel, hindi marunong mag entertain ng costumer. Sinisindak pa ata niya.

Unluckily Inlove With A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon