7
"I-i'm s-sorry..." Nanginginig ang boses ko bago nag-iwas ng tingin.
Fear and hope. Natatakot akong makilala niya ako but at the same time, umaasa akong makikilala niya ako. Wow! Posible pala ang ganitong pakiramdam?
"If you think you saved my life. You're wrong. Thanks to you, I lost a thing that is very precious to me."
Hindi ko siya masulyapan. Nagsisimula ng mag init ang nga mata ko. I bit my lower lip. Earning all the strength I have right now.
"You should leave then." Nagawa kong sabihin.
Tumawa siya nang sarkastiko. "The bastard Fontemayor is making his move. Ikaw ba ang gagamitin niya sa akin."
Sa pagkakataong 'yon ay nag angat ako ng tingin sa kanya. He's smirking. That famous smirk. I miss that.
Naglakad siya palapit sa akin. Domoble ang pintig ng puso ko nang marahan niyang hawakan ang pisngi ko.
"I didn't know Claude Dela Cuenca Fontemayor has a beautiful sister." Nanigas ako sa pahayag niya.
"I need your name, Claude." Natigilan si Claude sa paghahanda ng mga gamit ko. Ngayong araw na 'to ang pagkakadischarge ko sa ospital.
Ngumiti siya bago hawakan ang kamay ko. "Magpapakasal ka na sa akin?"
Kumawala ako sa pagkakahawak niya. "Never."
Nabura ang kanyang ngiti.
"Gusto kong legal akong ampunin ng mama mo bilang anak niya at kapatid mo." Patuloy ko na tila ba napakasimple ng gusto kong mangyari.
"What?! Are you out of your mind, Kiara!" Namumula siya sa galit.
"Wala rin naman kayo sa katinuan nang ideklara niyo akong patay. Might as well deal the consequence of your action." Matapang kong sagot.
Nagsukatan kami ng tingin ni Claude pero sa huli sumuko rin siya. He even cussed.
"Fine!"
Mariing hinawakan ni Lance ang pisngi ko. Tila gigil. "I'm not stupid like him, Miss Dela Cuenca. NOT THAT STUPID. Hindi ibig sabihin magkaboses kayo ng fiance ko, magagamit ka na niya sa akin."
Tuluyang tumulo ang mga luha ko. God! He recognized my voice. Ako 'to, Lance! Ako 'to si Kiara!
Kumunot ang noo niya bago pakawalan ang mukha ko. Nagmura siya ng paulit-ulit!
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Mabuting tao ang kuya ko." I wiped my tears.
Siya namang bukas ng pinto at pasok ni Alelie. Her eyes widened nang makita si Lance pero nataranta rin ng makita ang itsura ko. She run towards me. I wiped my wet face.
"Ara, okay ka lang? May masakit ba sa'yo?"
"Okay lang ako." Tinignan ko si Lance na mataman ding nakatingin sa akin.
"I hope this will be the last time na magkikita pa tayo. If you need money, you don't need to be a bitch." Malamig niyang saad bago kami talikuran. Hinawakan niya ang doorknob ngunit di niya pa 'yon nabubuksan, he stopped. "And one more thing, I didn't give you the privilege to call me in my first name." Aniya bago tuluyang lumabas. Sumunod na rin ang kasama nitong body guard.
"Anyare?" Tanong ng inosenteng si Alelie.
Ngumisi ako ng pilit. Walang alam si Alelie sa kung sino ako because I don't have any intention na idamay pa siya sa magulo kong buhay. "Gusto niya akong maging girlfriend niya pero umayaw ako." Sagot ko in a joke tone.
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
RomantikA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥