Chapter Fifteen-"Lahat ng meron ang isang Lance Zedrick F. Chan ay meron si Kiara Shannel. Kung nasaan si Lance Zedrick ay dapat naroon si Kiara Shannel. Kung ako ang hari rito sa school ikaw ang reyna, Kiara. So don't make yourself too anxious about the fvcking classes because if I'm excepted, you're excepted too."
"DUDE, ganda ng porma natin ah!" Pang aasar ni Kaezar kay Lance na kasabay ko. Suot niya na ngayon ang kasuotan ng isang Crisostomo Ibarra. Napangisi ako.
"Tss!" Walang ganang sagot ni Lance saka lumingon sa akin. "Are you nervous?" Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit di ako makaramdam ng nerbyos since ito ang unang pagkakataon na kasama ako sa isang dula-dulaan. Maybe because of the devil's presence beside me.
Okay na kami. Balik na sa dati. Iniisip ko, para kaming magjowa na nag-LQ. Nakakatawang isipin! Yuck!
Nagsimula na ang dula-dulaan. Halos mabilaukan na ako sa halakhak nang makita ko si Brielle bilang isang kawal. Maraming linya si Lance since siya si Crisostomo kaya nakangisi na lamang ako habang pinapanood ito sa seryosong pag-arte.
Ngunit, saka naman ako sinaniban ng nerbyos nang susunod na akong lalabas bilang Maria Clara. Suyuan sa Asotea ang unang labas ko. Ugh! The eff! Wala naman 'tong kaba ko kanina ah!
Nakaupo na lamang ako sa backstage at naghihintay ng nalalapit kong paglabas. Tumayo ako sa isiping mare-relieve 'yong kaba ko pero hindi pa rin. Nabitawan ko pa ang pamaypay ko sa sobrang kaba. Pupulutin ko na sana iyon nang may nauna ng pumulot.
"Don't stress yourself. You can do it." Saad ni Keiron nang iabot nito sa akin ang pamaypay bago naglakad palayo.
"Kiara..." Napatalon ako sa boses ni Lance. "Suyuan sa Asotea na ang susunod. Prepare yourself." Kakatapos lang siguro ng mga naunang linya niya. Sa lahat ng mga tauhan, si Crisostomo Ibarra ang may pinakamaraming linya.
"Lance... Naiihi ata ako." Pinaypayan ko ang sarili ko.
"Come. I'll accompany you. Sa labas lang ako." Namula ako sa sinabi niya pero umiling lang ako.
"Naiihi ako sa kaba." Feeling ko constipated na ako. Shet talaga!
Ngumisi siya bago hawakan ang nanlalamig kong mga kamay. Kaagad ko 'yong hinila pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Shet! Namumula na ako. Nakakahiya ang demonyo! Mamaya, office call na naman 'to dahil sa pagiging PDA. Shet! Shet lang!
"Lance, ano---" Napaawang ang labi ko nang halikan niya ang palad ko. Shet! Pakyu ka, Lance! Pakyu!
Tumawa lang ang demonyo matapos gawin 'yon. "Pasado na ang pag arte mo nang nakaraang practice kaya magagawa mo 'to." He said bago ako hilain palabas ng backstage. Holy Shiz! Kulay suka na marahil ako nang bumukas ang malaki at pulang kurtina.
"Gago ka, Lance! Hindi pa ako ready." Paasik kong bulong sa kanya bago ko binago ang ekspresyon ko. Nakita ko pa ang palihim niyang ngisi. Ugh!
Lumamlam ang mga mata ko bago nagsimulang magsalita. Aja! Aja! Kaya mo 'to, Kiara!
"Lagi mo ba akong naaalala? O sadyang naging makakalimutin ka na dahil sa mga magagandang dilag na nakilala mo sa iyong paglalakbay?" Nakahinga ako nang malalim nang masabi ko 'yon nang maayos. Tumingin ako sa madla na animo'y nahihiyang makipagtitigan kay Crisostomo.
"Paano kita malilimutan gayong ang tinig mo'y naririnig ko maging sa gubat ng Alemanya?" Nagbalik ang tingin ko sa maladiyos na mukha ni Lance. "Inusal-usal ko ang iyong pangalan kahit saang dako ako mapadpad. Walang lugar na hindi kita kapiling." Ngumiti ako na tila natuwa sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
RomanceA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥