Chapter Nine- "No! How can I restrain myself not to be too alarm kung nakikita kong may sugat si Kiara?!"
"LOOK at her. She looks horrible."
"Parang baliw. Baka iniwan na ni LZ."
"I bet. Inlove na yan kay LZ."
Para akong zombie na naglalakad patungo sa dormitory room ko at wala akong pakialam sa pagbubulungan ng mga babaeng nadaraanan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shet!
"You can hate me for as long as you want but you can never get rid me out of your life, Kiara. You. Are. Mine."
Parang sirang palaka na paulit ulit na nagrerewind sa utak ko ang sinabi ni Lance. Wala ako sa sarili matapos non. I didn't bother to talk to him. He tried to talk to me pero pulos tango at iling lang ang sagot ko sa kanya. Such as:
"Are you alright?" Tatango lang ako.
"Nakainom ka ba kanina?" Iiling lang ako.
Ngayon ang huli naming detention pero dahil nga wala ako sa sarili, Lance told me na magpahinga na lang daw ako sa dorm ko at baka daw tuluyan na akong mabaliw. Hindi ko siya pinatulan, tumango lang ako at ito nga naglalakad ako na parang walang kaluluwa.
Nang makarating ako sa dorm room ko. Naroon na si Snow. Nakaupo sa study table niya at nagbabasa ng libro. Tinignan niya lang ako then she sighed at di nagsalita. Nagpatuloy siya sa pagbabasa. Naglakad ako patungo sa kama ko nang sa wakas she broke the silence.
"Congratulation, Kia. Masaya ako para sa inyo." Natigilan ako sa sinabi niya at binalingan siya. May himig lungkot sa boses nito.Did she think na kami talaga ni Lance? The H!
Ngayon lang nagbalik ang diwa ko. "Hindi totoo ang iniisip mo, Snow." Simula ko. Mula sa pagkakayuko sa libro, napaangat ang tingin niya sa akin. "Pinagttripan lang ako ng demonyo. Walang kami. Never. Hindi ko siya gusto." Finally! Ako din ang luminaw sa mga nakakalokang bagay na gumugulo sa isip ko.
Gumalaw ang labi niya na para bang may sasabihin ngunit walang boses na namutawi mula sa kanya. "Si Keiron Mark V. Oxle ang gusto ko." Pag-aamin ko. Her eyes widened pero lamang ang gulat ko nang may humila ng buhok ko.
"Slut! Ang lakas ng loob mong magkagusto kay Keiron!" Si Brielle. She's histerical.
"Tangena! Let go of me! Ano ba, Brielle?! Shit, masakit na. Let go of me!" Sigaw ko pero di siya nakinig at mas pinagbuti pa ang paghila sa buhok ko kaya nang magkaroon ako ng tyempo, sinuntok ko siya sa tyan. Napaigik siya at napaupo sa sakit.
Hah! Ang kapal ng mukha niyang sabunutan ako! Ako na bihasa sa away kalye . The eff! Nagpipigil lang ako dahil kay Keiron pero di ko mapapalagpas 'to. Ang kapal naman ng libag niyang sabihing wala akong karapatan magustuhan ang mapapangasawa ko! Is she nuts?! Oww, yes! She's definitely!
Ubod lakas ko siyang sinampal at sinabunutan. Napahiga siya kaya dinaganan ko ang tyan niya. Naririnig ko na ring nagsisigaw at histerical na si Snow pero nagdidilim na ang paningin ko at wala akong gustong gawin kundi burahin ang mukha ni Brielle.
"Oh my God! Brielle!" Nadistract ako sa sigaw ni Camile. Hinila nito ang buhok ko. Shit!
"Diyos ko! Please, girls! Tumigil na kayo!" Si Snow.
Sa tuwing hihilahin ako ni Camile, hihilahin ko rin ang buhok ni Brielle kaya mas lalong napapasigaw ang pangalawa sa sakit.
"Oh God! My hair! Let me go! " Maiiyak na sigaw ni Brielle.
"Mga haliparot kayo! Akala niyo ba di ko kayo kayang dalawa. Gaga!" Tinulak ko si Camile at sinabunutan ulit si Brielle.
"Mullein! Santos! Dela Vega!" Napatingin kami sa maawtoridad na boses na 'yon. Shit! Si Ian! Ang SSC president. Tumigil kami syempre.
BINABASA MO ANG
Unluckily Inlove With A Badboy
RomantikA prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥