Here's the deal: madalas akong ma-late sa klase.
Siguro four times a week ang record ko sa pagiging late sa first class. Aside from the fact that I sleep like a log, I also tend to lose track of time when preparing for school.
"Bye Ma!" sigaw ko nang nakalabas ako mula sa bahay. Nagsimula na akong tumakbo habang hawak ang sandwich na 'di ko nakain kaninang breakfast.
As usual, male-late na naman ako.
Walang tricycle na dumaraan kaya napilitan akong takbuhin ang daan papunta sa school habang kinakain ang peanut butter sandwich na ginawa ni Mama kanina. Walking distance lang naman mula sa bahay pero kapag ganitong late na ako, pakiramdam ko ay napakalayo ng school.
"O, male-late ka na naman. Dalian mo!" the guard shouted cheerfully.
"Opo, Kuya!" sigaw ko naman pabalik sa guard na kilala na ako sa pagiging late. I ran as fast as I could until I reached our room in the third floor and . . .
Bingo! Wala pa si Ma'am Castro!
"Akala ko late na naman ako," bulong ko sa sarili ko at halos pabagsak na akong umupo sa upuan sa sobrang pagod.
"You are," Darwin, my seatmate, retorted. "Umalis lang si Ma'am sandali."
Ay. Akala ko pa naman nakaabot ako. Sayang ang effort ko sa pagtakbo kanina. Medyo sumakit tuloy ang tagiliran ko dahil doon.
Pagkatapos no'n ay tinanong ko si Darwin kung saan nagpunta si Ma'am kanina. His answer?
"Malay ko." Wow. Sungit.
In the end, nanahimik na lang ako at hinintay na bumalik si Ma'am Castro. My classmates were busy chatting with one another when all of a sudden, our attention was caught by the person who forcefully opened the door.
"Sorry, Ma'am! Na-late po ako ng gising!" sigaw ni Tessa sa may pintuan habang nakayuko. Kaya pala wala pang nakaupo sa harapan ko kanina ay dahil wala pa siya. Akala ko ay umalis lang din siya dahil malimit naman siyang ma-late.
"Wala si Ma'am kaya huwag kang sumigaw. Ingay mo, eh," sagot naman ni Gerald, ang mortal niyang kaaway, kaya nagtawanan ang classmates namin. Lagi kasi talaga silang nagbabangayan.
Tessa walked toward her seat but I noticed something unusual on her left shoulder.
"Tessa, may something ka sa balikat," I informed her but she glared at me in return.
"Hayaan mo nga! Pakialamera masyado," she whined, getting the attention of those who were close to our seats.
My cheeks turned red. Sinabi ko lang naman na may something sa balikat niya, bakit niya ako sinigawan? Isa pa, nagsinungaling siya kanina.
"Ikaw naman, sinungaling," I muttered but loud enough for her to hear.
"Anong sabi mo?! Ka—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil kinuha ko ang maliit na bagay na nakadikit sa shoulder part ng uniform niya.
"Hindi ka na-late ng gising," panimula ko. "Pumunta ka sa dress shop sa kabilang street. Nagsukat-sukat at hindi na namalayan ang oras."
"P-pinagsasabi mo? Asan ang ebidensya mo?!" she yelled and her face looked pale.
Itinaas ko naman ang 'ebidensya' na nakuha ko sa uniform niya. It was a fur with a unique shade of pink, which has the same color of the dress displayed in the front area of the shop I passed a while ago. Isa pa, alam naman naming lahat na mahilig siya sa ganoong klase ng damit kaya wala rin siyang kawala.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...