Chapter 37 - Fourth Case: A Different Person

1M 33K 8.3K
                                    


"She died due to a gunshot in the heart, around 11:30 to 11:33 A.M.," Riye said after analyzing the body.

"Nagtanung-tanong din kami sa mga kapitbahay at nagsimula raw ang sunog sa kabilang street bandang 11:10 at nagsimula naman ang sunog sa bahay nina Mrs. Andres bandang 11:25," dagdag ni Ken.

"Do you think they're connected?" tanong naman ni Riye.

"It's possible. The time interval between the fire occurences is too narrow to be a coincidence," sagot ni Reiji sa kanya.

"At sigurado ako na may bumaril sa kanya galing sa crowd dahil doon ko narinig ang putok ng baril, though hindi ko nakita kung sino kasi masyadong maraming tao."

Sinusubukan kong mag-focus sa case pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Mama. Bakit siya galing sa Tantei High? Bakit wala siya sa bahay? Bakit nasunog ang bahay namin? Gustung-gusto ko na siyang makita at makausap. Gustung-gusto ko nang itanong sa kanya lahat ng tanong na naiipon na sa loob ko.

"Akemi?" tawag ni Akane at napansin kong nakatingin na silang lahat sa akin.

"H-huh?"

"C'mon. Alam naming preoccupied ka dahil sa Mama mo, pero focus muna tayo rito. We need to solve this crime."

Doon ko naisip na ang selfish ko kaya na-guilty ako. Lahat sila ay may pinagdadaanang hirap pero hindi nila iyon pinapakita. I admire them for that.

"Sorry," I said. "You're right."

Sinilip ko yung papel na sinusulatan ni Riye at tiningnan ko ang mga pinag-uusapan nila.

"Pero ang weird lang na 'yong tatlong bahay na nasunog, kasama 'yong inyo," sabay turo sa akin ni Akane, "ay magkakatabi tapos halos kasabay nasunog ang bahay ni Mrs. Andres, which is a street away."

Sa totoo lang, kinilabutan ako kanina noong nangyayari ang magkasunod na sunog. Sobrang weird nga talaga. Bakit kailangang hiwalay na masunog ang bahay nina Mrs. Andres?

"Kung si Mrs. Andres nga talaga ang target ng killer, bakit kailangan niya pang sunugin ang tatlong bahay sa kabilang street?" tanong ni Ken.

"Maybe to divert the attention of the crowd?" sagot naman ni Reiji.

"Pero noong nasusunog na ang bahay nina Mrs. Andres, she's still alive," dagdag ni Riye. "She died because of the gunshot from the crowd."

"Akane."

Napatingin kaming lahat kay Hiro dahil ngayon lang siya nagsalita sa discussion na ginagawa namin.

"Why?"

"You heard the gunshot from your left side, right?"

"Yeah. And I'm pretty sure na naglagay siya ng silencer sa baril na ginamit niya para walang makarinig ng putok. Too bad I'm his or her miscalculation."

Tumahimik saglit si Hiro pero nakatingin pa rin kami sa kanya. After a minute, he looked at Miyu's screen.

"Miyu, the Window."

Right after he said that, nag-activate ang sasakyan at nakikita na naman namin ang labas na naka-project sa paligid ng sasakyan. So that command was called Window, huh?

"I have five suspects," Hiro stated.

"Five? Who are they?" tanong agad ni Reiji.

Tumayo si Hiro at pumunta siya malapit sa bintana kung saan naka-project ang harapan ng bahay nina Mrs. Andres at sobrang daming tao ang nagkukumpulan para makiusyoso.

"These five people are on our left side and they're suspicious," sabay turo niya sa limang tao na nandoon sa harapan ng bahay ni Mrs. Andres.

He pointed at a guy who was wearing eyeglasses and holding a brief case; a rich-looking guy who was wearing a formal attire; a guy who was with Mrs. Andres's son; a petite and fair-skinned woman; and a woman who was wearing shades and cap.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon