Chapter 16 - Second Case: The Second Warning

1.2M 34.2K 7K
                                    


"Ma'am!" sigaw ko nang bumagsak ang katawan niya sa mga kamay ko at lumapit naman sa akin sina Akane.

Binuhat siya ni Ken papunta sa gilid at ako na ang nagprisintang magbantay sa kanya habang ina-analyze pa rin nila ang bangkay at ang crime scene. Makalipas naman ang isang minuto ay nagising ang babae kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Okay ka ba po ba?" tanong ko sa kanya pero yumuko lang siya. She started muttering words but I couldn't hear them properly.

"H-He'll kill me," mahina niyang sabi at nagsimula na namang manginig ang katawan niya. "Y-yes, I . . . I'll do it."

Nagulat naman ako nang bigla na lang siyang tumayo habang kabadong tinitingnan ang paligid kaya napatingin din ako kung may kahina-hinalang tao ba na malapit sa amin.

"Wait! Saan ka pupunta?" tanong ko at susundan ko na sana siya pero bigla siyang tumingin nang masama sa akin.

"Huwag mo akong sundan!" sigaw niya kaya napaatras ako.

She was still nervously looking around and her steps became faster. Kahit na sinabi niyang huwag ko siyang sundan ay nag-aalala ako sa kalagayan niya kaya sumunod pa rin ako sa kanya. Napalingon din ako kung nasaan sina Ma'am Reina pero mukhang busy pa sila kaya hindi na ako nagpaalam pa. Babalik na lang ako agad kapag nasigurado ko nang ligtas 'yong babae.

Nakita ko naman siya kahit medyo malayo na siya sa akin. Good thing my sixth sense could be useful this time.

Huminto siya sa harap ng isang building at muli siyang lumingon sa paligid bago pumasok sa loob kaya tumakbo na ako papunta roon. Buti na lang at maraming taong pumapasok kaya hindi na ako na-check ng guard sa entrance. Pagdating ko sa lobby ay wala na ro'n ang babae kaya hinanap ko siya agad. Pagtingin ko ay sumakay na siya sa elevator kaya tumakbo ako papunta ro'n pero hindi ko na siya naabutan. Mukhang sa 14th floor ang room niya.

Ang tagal ng ibang elevators at ang dami ring tao kaya tumakbo na ako papunta sa hagdanan. Hindi talaga ako mapakali dahil kakaiba ang kilos ng babae. She looked like she was in trance after that panic attack.

She must have a connection to that deceased guy. She was telling me earlier that she would be the next one . . . wait . . . oh my god. I should have told them about this!

Binilisan ko ang pagtakbo ko kahit na ang sakit na ng mga paa ko. Pagdating ko sa floor kung nasaan siya ay saglit akong napahinto para huminga. Nasa hallway na ako pero hindi ko alam kung paano siya hahanapin dahil wala akong idea kung saan dito ang room niya.

"Akemi! Nasaan ka?" Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Akane at doon ko lang na-realize na nangagaling ang boses niya sa hikaw na ipinahiram niya sa akin kanina bago kami umalis ng dorm.

"Akane?" sabay hawak ko sa hiwak na suot ko. Maybe it has the same purpose as the earpiece Si Hayate lent us before.

"Yeah. Nasaan ka? Bakit bigla kang nawala?"

"Ah, sorry. Biglang tumakbo 'yong babaeng kasama ko kanina kaya sinundan ko siya. Nandito ako ngayon sa condominium malapit sa tapat ng crime scene."

Tumingin ako sa labas at nakikita ko sina Akane, though hindi masyado dahil lagpas sila sa range ko. "Tumingin ka sa likuran mo. You'll see a building, about 30-storey I think, directly in front of you."

"Andyan rin 'yong babae? Well, at least we know where she is. Pero bago ang lahat, bumalik ka muna rito. We need to talk about something."

Pagkatapos no'n ay nawala na ang boses ni Akane kaya napapikit na lang ako. I still felt conflicted. I wanted to know what that woman was doing but I didn't want to cause them trouble. In the end, wala rin akong nagawa kundi bumalik doon pero this time, ginamit ko na ang elevator. Pagpasok ko ay may tatlong tao sa loob na mukhang pababa rin.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon