Who was that woman?
Nag-drive pabalik si Miyu sa Tantei Police dahil gabi na rin at pagdating namin doon ay dumiretso kami sa agency samantalang si sir Ryuu naman ay pumunta sa Tantei High mismo dahil may gagawin daw siyang importante ngayon.
"We need to solve this case immediately. Baka may sumunod na namang mamatay."
Reiji was right. We could save the next victim if we could identify the murderer.
Nagising naman si Akane at sorry siya nang sorry sa akin. I told her that it was alright and I understood her but she kept on apologizing.
"Okay lang talaga, Akane."
"Sorry talaga," she sobbed. "I . . . I almost hurt you."
"It's okay. Buti nga dumating agad si Ken."
"Yeah. Siya lagi ang nagliligtas sa akin sa blackouts."
Napangiti naman ako. Kahit na madalas silang nag-aaway ay pansin naman na nag-aalala sila sa isa't isa.
Pagtingin ko sa relo ko ay halos 8 PM na. Nandito pa rin kami ngayon sa agency at dini-discuss and deductions namin sa crime. Pasingit-singit lang ako minsan kapag may naaalala akong mahalagang dapat sabihin.
"Oo nga pala, nakuha n'yo ba ang details nung second victim?" tanong ni Akane matapos niyang mag-sorry nang ilang beses sa akin. It was good to see that she was back on her feet.
"Reynalyn Geronimo. Thirty-seven years old. She's living by herself," sabi naman ni Hiro.
"So we have the number thirteen code and the names and ages of the victims. Magkakilala kaya sila?" tanong sa amin ni Ken.
"Maybe. Kanina kasi 'di ba, sumigaw 'yong babae noong nakita niyang namatay si Mr. Victor. Humingi pa siya ng tulong kay nee-chan after that."
"This case is getting complicated." Pagkasabi no'n ni Ken ay saktong pumasok sa room si Sir Hayate.
"How's the case?" tanong niya.
Kinuwento naman namin lahat ng nangyari pati ang deductions naming at tumatango lang si sir Hayate sa tuwing may sasabihin kami.
"You guys can rest. Meron pa naman kayong natitirang oras bago lumipas ang 13 hours. Masyado nang maraming nangyari ngayon. Magpahinga muna kayo."
After saying those words, I immediately felt the exhaustion all over my body. Sabay-sabay naman kaming umalis doon sa agency at dumaan sa hallway. After several minutes, we arrived inside the campus and we headed straight in our dorms. Pagpasok namin sa kwarto ay agad na humilata sina Akane at Riye dahil paniguradong mas pagod sila.
Nag-shower muna ako bago dumiretso sa kama pero kahit ilang minuto na akong nakahiga at nakapikit ay hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko pa rin ang babaeng nakita ko kanina. That lady wearing a black hooded cape and smiling at me . . . sino kaya siya?
Dahil hindi rin naman ako makatulog ay bumangon na lang ako at kumuha ng jacket. Dinala ko rin yung relo ko para alam ko kung kailan ako dapat bumalik. Pagtingin ko, 10 PM na pala.
Lumabas ako ng kwarto namin at naglakad-lakad. Saka ko naalala na nasa likod lang pala ng dorm namin yung library. Sabi naman ni Akane, hindi affected ang library sa 11:00 PM curfew at 24 hours 'yong bukas kaya naglakad ako papunta ro'n.
Naaninag ko naman ang library at medyo nakakatakot maglakad mag-isa papunta ro'n. Nang makarating ako ay namangha ako sa laki nito. First time kong pumasok sa ganito dahil unang-una, hindi naman ako nagla-library kahit sa school ko dati. Pakiramdam ko, nasa ibang mundo ako dahil sa dami ng librong nakapaligid sa akin.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Tajemnica / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...