"May case daw ba?" tanong ko kay Akane habang naglalakad kami papunta sa Midori Building.
"Ewan ko rin. Pinatawag lang tayo, eh."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang 'yong dalawang lalaki ay nakasunod sa amin. Pagdating namin sa loob ng building ay dumiretso agad kami sa creepy hallway. Napatigil naman ako nang maalala ko ang nangyari rito. I still couldn't believe that this place was part, or more like, an extension of the Black Dimension. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya nadadaanan 'to ng Senshins pero paniguradong may kinalaman ito sa nangyari fifteen years ago.
Pagdating namin sa agency ay nakaupo lang sa may couch sina Riye at Reiji habang nakatingin sa direksyon namin sina Ma'am Reina at Sir Hayate. Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay may hinagis sa direksyon namin si Ms. Reina at buti na lang ay nasalo ko ang bagay na binato niya sa akin. Pagtingin ko, it was like a booklet and attached to it was a pen.
"Sorry, we need people here," sabi ni Sir Hayate. "May pinapagawa kasi sa amin si Sir Hideo. Kayo na nag bahala rito."
"At para di kayo ma-bore, gumawa ako ng logic questions," sabi naman ni Ma'am Reina, sabay turo sa booklets na hawak namin. "That booklet is developed by Hiroshi, I think, five years ago? Kung mapapansin n'yo, first page lang ang may sulat. That's the first question. Kapag nasagot niyo 'yan, doon lang lalabas ang second question sa next page. He based that on the mechanism of the notepad. Cool, right?"
Tumango naman ako. Ang galing naman ni Sir Hiroshi. Feeling ko kahit ano kaya niyang gawin.
"O, 'di ba, para na rin tayong na-Logic class!" sabay tawa ni Ms. Reina. "Since kaya kong ma-determine kung sino ang mauuna at mahuhuli, gawin nating contest. Kung sino ang unang makatapos, ipapahiram namin ni Hayate ang book about sa Seventh Sense."
Pagkasabi no'n ni Ma'am Reina ay naramdaman ko kaagad ang tension sa pagitan namin at halata namang interesado kaming lahat.
"See? I told you they'll be interested," sabi ni Ms. Reina kay Sir Hayate. Pumunta naman si Sir Hayate sa table niya at may kinuha siya sa pile ng books.
"Here's the book," sabay taas niya sa isang book na mukhang sobrang luma na. Nagkatinginan kaming anim at alam kong gusto rin nilang mabasa ang content no'n.
"Kung tapos na kayo, iwan n'yo na lang sa table, okay? Babalik kami kapag free na kami. Good luck sa pagsasagot, guys! Bye!" sabi ni Ma'am Rein at tuluyan na silang umalis habang dala ang libro.
"Okay, ganito na lang. Medyo maghiwa-hiwalay tayo kapag magsasagot," sabi ni Akane nang makaalis sila. Tumayo naman siya agad at pumwesto sa table ni Sir Hayate.
"Hoy pwesto ko yan!" sigaw naman ni Ken.
"Kailan pa? Nakapangalan sa'yo? Nauna na ako 'no!"
"Tss. Sana ikaw mahuli," bulong ni Ken sa amin pero dahil sa sixth sense ni Akane ay may lumipad na libro rito at natamaan sa ulo si Ken. "Ouch! What the hell?!"
"Ayan. Sana naalog ang utak mo!" sigaw naman ni Akane. After that, pinulot ni Riye ang lumipad na libro at tumingin kay Akane.
"Nee-san, huwag mong ibato ang mga libro. Baka masira," seryosong sabi ni Riye.
"Oh. S-sorry."
"Ang sama no, Riye? Sige pagalitan mo pa," pangungulit naman ni Ken sa kanya.
Napailing na lang ako sa kanila at napangiti at the same time. Parang kanina nate-tense pa kaming lahat pero ngayon ay ayos na ang atmosphere. Napatingin naman ako kina Reiji at Hiro at nagsasagot na sila.
"Hoy madaya kayong dalawa! Bakit nagsasagot na agad kayo!"
Naunahan naman ako ni Akane sa pagpoint-out no'n. Magbabato sana ulit siya ng libro pero napatingin siya kay Riye kaya hindi na niya naituloy.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...