Chapter 66 - Calm and Cool

819K 30.2K 21.7K
                                    


Nag-stay muna ako sa puntod nina Mama at Demi at nagbigay rin ako sa kanila ng white roses.

"Okay na po ako ngayon. Though napapanaginipan ko pa rin yung mga nangyari. I hope ayos din kayo kung nasaan man kayo ngayon," sabi ko at saka ako umupo sa harapan nila.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cards na binigay sa akin ni Demi at napangiti nang maalala ko siya.

"Mama, gusto ko pa pong malaman lahat ng tungkol sa inyo. Gustung-gusto ko nang magtanong kay Papa pero alam ko namang busy siya. I wanted to know how you lived your life. I wanted to know how you met him and the other members of Great Seven and how you fell in love with him." Napangiti ako habang iniisip ko 'yon. Tumingin naman ako sa puntod ni Demi. "Alam mo, kahapon, nagpunta ako sa library. Akala ko makikita ulit kita ro'n, pero para lang akong tanga. You're gone but it seems like my mind couldn't accept that fact. Sometimes, I wish you could just appear in front of me, just like what you always do. I miss you, Demi."

Bago pa ako tuluyang maiyak ay tumayo na ako at pinagpagan ko ang palda ko.

"Bye Mama. Bye Demi. Thank you for everything. Wag kayong mag-alala, pupunta ulit ako rito," saka ako umalis doon.

I walked away from them and went inside the forest. It was a quiet day and the only thing I could hear was the rustling of the leaves. Ang peaceful sa pakiramdam at kahit papaano ay medyo gumaan yung loob ko.

Napahinto naman ako sa paglalakad at napatingin ako sa bandang kanan. According to Akane, this part of the forest was strictly forbidden because of wild beasts and unknown creatures but I still walked toward that direction.

Medyo nakakatakot dahil sobrang tahimik at unti-unti na rin akong lumalayo sa campus pero napatigil ako nang may natanaw ako. About 20 meters away from me, I saw a hill and on top of that was a person.

'Hey.'

Boses pa lang ay alam ko na kung sino. Kahit hindi siya lumingon, alam niyang nandito ako. Paano niya kaya nagagawa yun?

"Hiro," tawag ko at lumingon siya sa akin. Lumapit naman ako papunta sa kanya at nagsimula akong umakyat. When I was halfway there, he extended his arm and helped me get to the top. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kaagad nang makaupo na kami.

"Nothing," sabay ngiti niya.

Napansin ko lang, simula nang matapos ang war ay dumadalas na ang pagngiti niya. Siguro dahil kasama na niya ngayon ang Mama niya.

"How about you? What are you doing here?" sabay tingin niya sa akin.

"Ahh. Gusto ko lang makita kung anong meron dito east side ng gubat tapos nakita kita."

Tumingin naman siya sa harapan kaya napatingin rin ako at namangha ako sa nakita ko.

"Whoa," I blurted out.

From here, I could see the whole campus and I realized how big it was. The landscape was also breathtaking. And because of my sixth sense, I could even see the students roaming around.

"Ang ganda."

"Your eyes are already green. That's nice," sabi naman niya.

I smiled. "Mmm."

Napayuko naman ako. Sa katunayan, nagulat din ako nang maramdaman ko sa sarili ko na green na ang mga mata ko. Maybe the war triggered and hastened the process. I actually didn't expect them to evolve this fast. I mean, most of the green-eyed Senshins I saw already made names and had a lot of contributions to the society. I wasn't great or strong.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon