"Okay ka na ba?" tanong ni Akane nang kumalma na ako.
"Medyo," sagot ko kahit na naco-conscious pa rin ako.
"You'll get used to it, nee-chan," dagdag ni Riye.
Napabuntong-hininga na lang ako at hindi ko muna inisip ang mga mata ko. Pumunta kami sa nag-iisang class namin ngayong araw—Psychology. Pagkarating namin sa room ay halos kasabay lang naming pumasok ang teacher namin na si Ma'am Hina. Our gaze suddenly met and she smiled at me.
"Bothered by your eyes and a recent crime scene?" tanong niya at nagulat ako nang marinig ko 'yon. Did she read my mind? Katulad din ba siya ni Hiro na kayang magbasa ng nakasaradong utak? "How did I know that? Hmm. You are blinking too fast. That either means something is bothering your eyes, a mannerism or you saw someone or something unexpected." Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya dahil binabasa niya ang mga mata ko. "You are also looking at your left side. That means you're averting a fact or reminiscing a memory. Am I right?"
She was scary. She could see through me by just looking at my body language.
Bigla naman siyang ngumiti at nag-sorry sa akin dahil daw habit na niya ang mag-observe ng mga tao at bigla na lang magsasalita. Ganun rin naman ako minsan sa dati kong school, lalo na kay Tessa, kaya na-guilty tuloy ako sa lahat ng pinagsasabi ko sa kanya.
Sinimulan naman ni Ms. Hina ang discussion niya at lalong naging interesting dahil tungkol ito sa Criminal Psychology at mata-tackle naming kung paano at bakit ganoon mag-isip ang isang criminal. Pero ngayon ay introduction pa lang ng principle of deduction.
"You can either use deductive or inductive reasoning in your investigations," she said. "Deductive reasoning or deduction means from a general idea or argument, you can prove specific details and answers. On the other hand, inductive reasoning requires finding those tiny and specific details and you'll come up with a general assumption."
Sinulat ko ang mga sinabi niya sa notepad ko at medyo nagulat pa ako nang nag-pop ang isa pang sheet kasi puno na ang sinusulatan ko. 'Di talaga ako masanay-sanay sa notebooks na 'to.
Ang daming in-explain ni Ms. Hina na halos umabot sa six pages ang nag-appear na papel sa notepad ko. Buti nga at natapos na ang class dahil ang sakit na ng kamay ko kakasulat, pero nag-enjoy talaga ako dahil ang dami kong natutunan.
Bumalik kami sa dorm at nag-usap-usap lang tungkol sa kung anu-ano at pagkatapos no'n ay napagdesisyunan naming sa Central Plaza na lang mag-dinner. Buti na lang at may allowance pa ako.
After that ay bumalik kami sa dorm at maagang nagpahinga.
***
Finally. Weekend na.
First weekend ko rito sa Tantei High at hindi ako makapaniwalang naka-survive ako sa first week kahit na parang overloaded na ang utak ko sa dami ng mga nangyari. Everything was still hard to process.
"Akemi, tara na!"
Napalingon naman ako at nakita kong ang layo na nilang lima sa akin kaya tumakbo ako papunta sa kanila. Papunta nga pala kami ngayon sa Detective Agency at syempre, dadaan na naman kami sa hallway na 'yon. My skin tingled when I saw the darkness welcoming us. Our footsteps echoed and it sounded like hundreds of feet marching. I really hate this shortcut. Sobrang creepy.
Nang makarating kami sa Detective Agency ay nakahinga ako nang maluwag. Tuwing weekends ay dito raw sila nagpapalipas ng oras dahil wala naman silang ginagawa sa dorm. They would rather solve crimes than sleep. Sabagay, ito na rin kasi ang kinalakihan nila maliban sa amin ni Riye.
Dumiretso sa police headquarters sina Hiro at Reiji. The remaining three sat on the couch while I roam around the room, but I felt a chill running down my spine when I saw someone's eyes glaring from the dark alley across the street. Nagkatinginan kami at tumindig lahat ng balahibo ko nang bigla siyang ngumiti at lalo akong kinilabutan dahil bigla na lamang siyang nawala. Napatalikod ako at napasandal sa pader habang hinahabol ang hininga ko. My heart was pounding painfully against my chest and I couldn't breathe for a while.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...