Chapter 38 - Fourth Case: Clues and Sixth Sense

1M 31.6K 8.1K
                                    


"And that's the whole story, Sir," sabay upo ni Akane matapos niyang i-explain kay Sir Hayate ang nangyaring arson at murder sa pinuntahan namin kanina.

"Hmm, okay. Pupunta tayo ulit doon in five minutes," sabi niya at saka siya naglakad papunta sa Tantei Police Department.

Naiwan naman kami sa couch at iniisip ko pa rin yung nakita ko sa projections ni Miyu. Ano na kayang nangyayari kay Mama? Sabi ni Hiro, pinoprotektahan niya raw ako. Pero saan? Kanino? Doon ba sa mga Shinigami? Ano namang kailangan nila sa akin?

Sobrang daming tanong ang nasa isip ko ngayon pero kahit isa, wala akong masagot.

"Nee-chan, are you okay?"

Napatingin naman ako kay Riye at napansin kong worried ang expression niya. Unti-unti namang nawala ang bigat ng pakiramdam ko dahil na-realize kong mas priority namin ngayon ang case. Isa pa, ayaw ko namang mag-alala sila sa akin dahil lang sa mga tanong sa isip ko na hindi ko masagot.

"Mmm," saka ako ngumiti sa kanya.

"Let's go," sabi ni Sir Hayate at sumunod naman kami sa kanya.

Pagdating namin sa crime scene ay agad lumapit si Sir Hayate sa mga pulis at may ipinakitang ID. That was the same move Ma'am Reina did last time.

Sinabi rin ni Sir Hayate na kinausap siya ni Mrs. Andres kaninang umaga para imbestigahan ang nangyayari sa bahay niya kaya pinayagan kami ng mga pulis na pumasok doon sa crime scene.

Pagpasok namin sa bahay ay amoy na amoy pa rin ang mga sunog na gamit. Pinuntahan namin kung saan nakatayo si Mrs. Andres nang barilin siya. According to Riye and Reiji, she was in the living room and she was already lifeless when they saw her.

"We saw her lying here," sabay turo ni Reiji sa spot sa sala.

"Kung dito siya bumagsak, ibig sabihin nakaharap siya sa bintana dahil galing sa right side sa perspective niya," dagdag naman ni Ken at pumunta siya sa may bintana kung saan maaaring dumaan ang balang tumama kay Mrs. Andres.

Naglibut-libot kami sa bahay para maghanap ng clues at naalala ko ang sinabi ni Sir Hayate kaninang umaga. May naririnig daw na umaaligid si Mrs. Andres sa labas ng bahay niya kaya pumunta ako sa bakuran at may nakita akong kakaiba.

"What did you find?" Napatingin naman ako sa likuran ko at nandito rin pala sina Hiro at Reiji.

"There," sabay turo ko sa puno.

Sabay-sabay kaming lumapit doon at tinuro ko ulit kung anong nakita kong kakaiba. There was a dent on the trunk of the tree and it didn't look natural.

"Something was placed here," Reiji noted while touching the trunk.

"Pero ano?"

Kasinliit lang ng limang piso ang dent. Hindi ko tuloy alam kung ano talagang nakalagay rito o kung meron nga talaga.

"Open your minds so we can communicate with them," sabi naman ni Hiro. Na-realize kong ang tinutukoy niya ay sina Akane, Ken, Riye at Sir Hayate na nasa loob ng bahay.

Naglibot pa kami sa bakuran para maghanap ng clues na pwede naming magamit sa pagso-solve sa kasong 'to. Reiji found a burnt bottle but we couldn't identify its content anymore. Hiro also found a glass bottle.

'Hey guys! Natanong na namin ang ilang witness sa pagkakasunog ng bahay,' rinig ko sa boses ni Akane sa isip ko.

'Kasama sa natanong namin ay ang dalawa sa suspects,' dagdag naman ni Ken.

'Tinanong rin po namin yung tatlo pero hindi raw nila naabutan ang simula ng sunog,' sabi naman ni Riye.

Mukhang marami na rin silang nakalap na information regarding this case.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon